Hayy~ kailan kaya dito papasok si Aubrey? Sabi niya dito narin siya mag aaral pero hanggang ngayon wala pa siya. Yung nangyaring tapunan sa amin ni Kaiden, mga 2 linggo na ang nakalipas nun. Mas lalo nga siyang naging masungit sakin eh. Pati madamot! :< Ano kaya problema nun? Mabait naman ako ah! Pero bakit ayaw niya makipag friends sakin? Nakalista lahat sa diary ko yung mga pinag gagawa niya sakin. Esh!
Habang nagtuturo si Mr, Delahula. napasyahan kong mag text muna kay Aubrey.
Aubrey
- Hi, Aubrey! Kailan ka pupunta dito :<
Sent!
- Sab! May pasok ka ah! Wag ka mag text baka mahuli ka!
Aubrey
- Okay lang yan. Nasa may bandang likod naman ako eh.
Sent!
Aubrey
- Teka ano bang meron?
-Alam mo ba yang Kaiden na yan? Grabe ang pa epal talaga! Nagkaroon ng surprise quiz kanina, tapos wala akong dalang 1/4 na papel. Tapos siya meron, naghingian yung mga classmates namin sa kanya edi naka ngiti pa siyang binibigay niya iyon. Tapos nung ako na yung nanghihingi ayaw ako bigyan! Aish!
Sent!
Aubrey
- Parang ayun lang? Baliw ka talaga Sab! Haha
- Basta nakaka inis si Kaiden Anderson! Mukha siyang tukmol akala mo gwapo siya! May sira ata sa ulo yang Kaiden na yan eh! Ulupong talaga! Ambaho kaya ng utot niya! Kainis talaga!
Sent!
Aubrey
- Oo na, mamaya na tayo mag usap. May klase ka pa--
"HOY!"
"Ay hoy!" Napatakip ako bigla sa aking bibig. Patay na!
Narinig ko naman nag tawanan yung mga classmates ko sa pag sigaw ko kay sir. Napayuko naman ako
"Anong ginagawa mo sa oras ng klase ko Ms, Collins?" Hayys! Ito talagang bakla namin prof! Lagi nalang akong pinag-iinitan!
"W-wala po" naka yuko lang ako habang sinasabi ko yun. Bigla naman binagsak ni sir yung dalawang kamay niya sa desk ko.
"Eh bakit ka tinuturo ni Mr Anderson?" Nag taas siya ng kilay sakin.
Tumingin naman akonsa katabi kong si Kaiden. Letche talagaaaa!
"Mr Anderson. Pwede mo bang sabihin kung anong ginagawa ni Ms Collins sa oras ng aking klase?" Naka ngiting tanong ni sir kay Kaiden. Tss! Pinandilatan ko siya ng mata pero mukhang wala atang balak pagtakpan ako. Kainis talaga!
"Using cellphone" walang emosyong sinabi ni Kaiden kay sir.
Naglahad naman ng kamay si Sir sa akin. Binigay ko nalang yung cellphone ko. Esh! Binabasa ngayon ni sir yung text ko kay Aubrey. Binabasa niya para marinig lahat namin kung ano ano ang pinagsasabi ko sa text ._.
BINABASA MO ANG
The One
FanfictionMaria Sabrina Collins ang babaeng fan ng grupong 'The Bad Boys Band' na kinabibilangan ng kanyang kuya na si Seth Collins. Ang bumubuo sa banda nila ay sina Keith Montefalco, Pierce Navarro, Seth Collins at si Kaiden Anderson. Kasama niya ang kanya...