Scared to Death

128 8 5
                                    

“Woooh! Go Argel! Woooh!”

I’m Mark Argel Lison. 17. IT student. Dancer.

“Ang galing mo talaga Argel!”

Acquaintance party namin ngayon at may babaeng naka’gown na sigaw ng sigaw ng pangalan ko habang sumasayaw kami sa stage, not to mention na mag-isa lang syang sumisigaw at nagtatatalon pa.

“Woooh! Yeeah! Ang galing mo Argel!”

Natapos ang sayaw namin na nakasigaw pa rin sya. Ano ba naman ‘to. Tss!

“Naks Mark may fan ka na pala. Ayos ah!” Sabi ng katropa ko sa dance troop.

“Nakakatakot pare. Para kasing baliw.” Sabi ko.

“Ang ganda namang baliw nun.” Sabi ng isa ko pang katropa habang tumatawa ng mahina.

“Oo nga pare. Baka ganyan lang talaga yan. Usually kasi diba sa babae sa panahon ngayon wala ng pakialam sa mundo basta lang magawa yung gusto nila.” Sabi pa nung isa kong katropa habang nakangiti ng nakakaloko.

“Ah bahala sya sa buhay nya. Di ko naman sya kilala eh.” Sabi ko.

“Di mo nga kilala pero kilala ka naman.” Dagdag pa nung isa.

Oo nga no. How come? Is she my stalker? Nah. Di naman pwede yun. Di naman ako gwapo para may mag’stalk sa’kin eh.

Ahhh! Bahala talaga sya. Iisipin ko na lang na walang babaeng baliw na sigaw ng sigaw ng pangalan ko habang tumatalon kanina.

----------

Hanep! Male’late na ko. Traffic kasi eh. Malas ko naman. Hindi ko naman pwedeng sabihin yan sa prof ko kasi di naman yun maniniwala. Gasgas na nga daw kasi yang palusot na yan. Kainis.

Nang nasa tapat na ko ng room namin, naririnig ko na yung prof ko na nagle’lecture. Gagapang na sana ako sa likod para di ako makita ng bigla akong nakita ng katropa ko.

“Huy! Anong ginagawa mo? Ba’t ngayon ka lang?” tanong nya sa’kin ng mahina.

“Traffic eh. Wag ka ng magtanong baka makita ka ni prof.” sabi ko naman.

“Bilisan mo ng uod ka.” Asar nung isa ko pang tropa.

“Mr. Nicos and Mr. Tuazon, anong gianagawa nyo dyan?” si prof.

Naku ayan na. Nakita ko sya na papunta sa kinauupuan nung kabarkada ko. Eh nasa hulihan pa man din sila. May chance na makita ako ni prof dito.

“Now, tell me, what’s going on? I want you to remind that I hate those moments when some students out there interrupting my discussion.”

Hindi makasagot yung dalawa at napatingin na lang sa direksyon ko. Napatingin na din yung prof namin sa may pwesto ko.

Naku! Patay!

“Mr. Lison! Why are you late?!” galit na tanong sa’kin ng prof ko.

“Ah-eh. Traffic sir.” Wala na kong choice. Wala akong maisip eh tsaka totoo naman yung sinabi ko.

“Same old excuses. Meet me later at my office. 5pm after dismissal.” Sabi nya.

Yun! Yun yung mga salitang ayokong marinig sa kanya. Eh sa totoo naman talaga yung excuse ko ah. Anong mali dun? Ang arte talaga ng prof kong to kahit kailan. Badtrip!

Idagdag mo pa tong mga kaibigan ko na nanglaglag sa’kin. Minsan talaga kaibigan mo rin magpapahamak sa’yo eh. Tss!

----------

Pagkalabas ko ng Guidance Office, nakita ko yung mga kaibigan kong nakaabang. Ang lalapad ng ngiti.

“Oh, anong ngiti yan? Napahamak na ako tapos ganyan pa isasalubong nyo sa’kin?” inis kong sabi.

Scared to DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon