(paki-play ung video sa gilid. ulit ulitin nyo ha. HAHAHA. tapos pag tapos nyo basahin yung story basahin nyo naman yung nasa video.. HA! thanks)
FELICITY's POV
"Seth, dumating ka."
nakakatuwa kasi akala ko hindi na dadating si Seth, siguro mahalaga pa rin ako sa kanya. Yan ang sabi ng isang isang bahagi ng utak ko.
pero di ko alam na pwede palang maging magkasalungat ang isang parte ng utak natin sa isa pang parte nito.
kasi, yung isang bahagi ng utak ko ang nagsasabi na masakit dahil gusto na nya talagang tapusin to, na wala na talaga. Hanggang dun na lang kami.
"halika, dun tayo sa field magusap"-sabi ni Seth sakin, di ko man lang napansin na nasa harap ko na pala sya. Nakangiti at hinahawakan ang kamay ko.
habang naglalakad kami at hawak hawak nya ang kamay ko, mas lalong sumasakit.
huli na to, dahil ang mga kamay na to ibang kamay na ang hahawakan. Ang mga kamay na to na di na muling mahahawakan ng kamay ko.
umupo kami sa bleacher. Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at iniharap ako sakanya.
magkatinginan kami. Ang mga mata nya, punong puno ng lungkot. Nasasaktan din ba sya katulad ko?
"Felicity, gusto ko sana makinig ka lang sa lahat ng sasabihin ko. Alam ko mabuti kang tao kaya alam ko maiintindihan mo ko."
saglit kaming nagtitigan, tumingin sya sa kamay ko at hinawakan nya ito. Huminga muna sya ng malalim at tumingin sa ibang direksyon habang ako nakaharap parin sakanya. Kita ko parin ang lungkot sa mukha nya kahit naka-side view na sya.
"alam mo bang hindi naman talaga ako playboy dati? ang totoo nyan nagkaroon nga ako ng isang seryosong relasyon sa isang babae nung Highschool e. Magkakakilala na kami nila Julius at Angelo noon, sa katunayan may banda pa nga kami nun e. May kasama kami sa banda na isang babae, at kaugali mo sya. Mabait sya, makulit din, tumutugtog din sya ng piano. Nung una gusto ko lang syang asarin, i-bully ganun. Pero di ko alam na dadating din yung time na sa kabila ng asaran, pikunan at minsan murahan ayun nainlove na pala ako. Naalala ko pa dati yung unang beses na natakot ako sakanya kasi inagaw ko yung Diary nya. Sabi nya sakin nun iiwan nya ko pag di ko binalik yung Diary nya sakanya. Ayun, tumiklop agad ako. Ayoko kasing iwan nya ko lalo pa at naging Girlfriend ko na sya."
"akala ko pag binalik ko nung Diary nya hindi nya talaga ako iiwan. Pero dumating yung panahon na bigla na lang di sya nagpakita samin. Hinanap ko sya noon kahit saan kasi di ko alam kung saan sya nagpunta, di man lang sya nagpasabi kahit sino samin walang alam. Tapos nung nagpunta ako sa bahay nila nakita House and Lot For Sale na, nagtanong ako sa kasambahay na dumaan ang sabi baka daw nagabroad na yung nakatira dun sa bahay na yun."
"simula nun nagkaroon na ko ng galit sakanya kasi iniwan nya ko basta basta, dun na nagsimula yung pambababae ko. Kahit sino nagiging Girlfriend ko na tumatagal lang ng isang gabi. Kasi naisip ko na lahat ng babae mangiiwan kaya dapat iwanan ko din sila para maranasan nila ang naranasan ko ng iwan ako ng babaeng mahal ko. Tapos nakilala kita."
napatingin sakin si Seth at ngumiti sya, ngiti na may magkahalong lungkot at saya.
"Naisip kong itulad ka din sa ibang babae, pero nung nalaman ko ang ugali mo biglang nagbago ang plano ko. Kaugali mo ang babaeng pinakamamahal ko at ikaw ang nagpapaalala sakin kung paano kami noong magkasama pa kami. Pag kasama kita para ko narin syang kasama, pero alam ko mali ako sa bagay na yun. Kaya nung niligawan kita hindi ko pinilit yung gusto ko kasi alam ko bago lang sayo yung ganitong bagay. At minahal mo nga ako, pero ang laki kong g*go kasi di ko kayang mahalin ka sa pagiging ikaw mo. Minahal kita kasi nakikita at naaalala ko sya sayo.Napakasama ko alam ko, kaya sana mapatawad mo ko Felicity."
BINABASA MO ANG
The Life of Vida Felicity Cruz (ON GOING)
Novela Juvenilhindi permanente ang lahat ng bagay sa mundo. ang buhay din natin ay parang story sa wattpad.. kelangan nating ienjoy ang bawat chapter ng buhay natin.. kada chapter may bagong character. at sa ending depende kung happily ever after, o may part 2 pa...