Chapter 1- Space Burger

88 1 2
                                    

Parang hindi ko na alam kung paano ko pa haharapin ang bukas. Gusto ko nalang humiga, mag hapon at magdamag. I've always thought that when life knocks you down, all you have to do is to stand by your two feet and continue to move forward, pero it's never that easy. Lalo na kapag alam mong ibinigay mo ang lahat, ang lahat-lahat. Sometimes mag tatanong ka, anong kulang? Anong mali ko? Why is this happening to me? Is there something that I've done wrong, did I hurt anybody? Have I stepped on somebody's life, onto someone's dignity, for me to feel this way? All those questions that I've asked, I have never got an answer yet. Oh God, please kahit isa lang ang sagutin mo sa madami kong tanong. Pero wala. I'm still stuck at this point in my life, where in I feel so alone, na para bang wala akong kasama, ako lang to mag-isang nag lalakad into some kind of a path that I don't know where it will lead me. Yeah I know, hindi ko pasan lahat ng problema sa mundo, pero ang sakit lang talaga, ang sakit sakit lang talaga nitong nararamdaman ko ngayon. Parang tinusok ng isang libong karayom ang puso ko. Gusto ko nalang mamatay, lamunin ng lupa, o madalas iniisip o ipinagdarasal ko na sana bangungot lang to, that this occurrence will end after sometime. Pero it's been two years, two whole years, yet I still can't recover. Approximately seventeen thousand five hundred forty-four hours of my life, yet the pain feels so fresh in my heart, in my soul, in my whole being. Why? Bakit? Bakit hindi ako yung pinili niya. Bakit hindi ako yung pinag ipunan niya? Bakit akala ko okay kami, akala ko mahal niya ako, sabi niya ako lang, ramdam ko eh, ramdam ko na totoo yung pagmamahal niya saakin, yung pagmamahal namin sa isa't-isa, pero isang araw nagising nalang ako wala na, hindi na ako yung mahal niya. Ganoon kadali.  At the end of the day, si Clara, si Clara yung binili niya. Kay Clara niya ibinuhos yung pinag ipunan niya na dapat para saakin, si Clara yung gusto niya makasama habang buhay, bakit? Kasi maganda siya? Matalino siya? Malaki yung balakang niya? O dahil size D yung bra niya? Twelve million myra, twelve million myra, para sa isang babaeng pang kama lang naman ang ganda. Come on, naman , ako I've given him everything, I loved him from head to toe, from inside and out, lahat lahat pati ang composition ng atoms, molecules, cells, at lahat ng particles na bumubuo sakanya. Siya yung una ko eh, una kong minahal, kung mabibigay ko lang virginity ko baka naibigay ko, sakanya na to eh, kung ako lang pinili niya, kung ako nalang sana yung binili niya, pero hindi.  Bullshit naman!

Naalala ko, nagkakilala kami sa isang bagong tayo na restaurant sa lugar namin sa Cena, Space Burger, ang unusual ng name para sa resto, pero interesting. Kasama ko si Dillion, bestfriend ko.  Pagkatapos yun ng trabaho namin sa flower shop ni Mang Petals, tamang tama sweldo namin noon.

"Oh, sis, natapos na ang trabaho, tutal sweldo natin, why not treat ourselves naman diba? Kahit doon lang sa pinag-uusapan nila, narinig ko kila Helga last time, may bago daw bukas na Burger house, Space Burger daw".

Tama naman si Dillion, kahit kaonting gantimpala lang sa walang sawang pag tratrabaho diba? Why not treat ourselves nga naman. Edi naglakad na kami patungo sa Space Burger na pinag kakaguluhan ng mga kabataan. Ang ganda ng pintuaan, napakalaki, at purong salamin lang ito, automatic na bumubukas. Napakalawak ng loob, parang nasa outer space ka talaga, at napaka-lambot ng tinatapakan namin, para kaming naglalakad sa bulak, parang anytime malalaglag ka, nakakakilabot talaga. Wala akong ibang matanaw kung hindi ang maliliwanag at kumikisalap na mga bituin, nakikita ko rin ang mala bolang buwan, napaka liwanag nito. After sometime a guy approached us.

"Good Afternoon, Welcome to Space Burger! Table for how many?""Ahmm, for two please, thank you."  

Binigyan kami ni Dillion ng menu.

"Sis, I think this is a wrong idea, akala ko naman Burger-Burger-ran lang, I did not expect, parang Class A Restaurant naman to." "Eh, bakit ka kasi pasok ng pasok, tsaka baka mamaya wala tayong pambayad dito, tingnan mo naman Dillion, eh isang araw na sahod na natin to sa flowershop ni Mang Petals eh."

Money Can Buy Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon