PROLOGUE.

4 1 0
                                    

Dear Diary.(06.10.11)

Waaa ang ganda ng first day of school ko. Nakita ko sya o to m to g! Kinikilig ako. Hindi nya man ako nakita at least nakita ko sya. Waaaa diary nababaliw na ako. Pero sana kahit baliw na ako mahal ko parin sya. Diary ano sa palagay mo ? Kaya nya kaya akong mahalin.? Hayst. Sana naman oo noh ? Sige diary tutulog na ako aasa pa ako bukas e.

-Macey

Inilipat ko ang page ng dairy nya sa ikalawang pahina.

Dear Diary.(06.11.11)

Hi diary! Andito na naman ako para kwentuhan ka. Alam mo ba nakita ko ulit sya kanina and guess what? Waaa nag smile sya saken. Oo for real nag smile sya, at sigurado akong hindi ako nana naginip o nag de day dream. Alam mo ba hanggang ngayon kinikilig padin ako. Waaa crush kona sya nanood kase ako ng tryouts para sa basketball and waaa naka pasok sya. Ang galing galing nya nga e. Supportive ko noh ? Wala e crush kona sya kahit hindi nya ako napapansin. At diary feeling ko hindi ata ako makaka tulog ngayon.

-Macey

Patuloy lang ako sa pag babasa ng diary nya. Unti-unti nakaka ramdam ako ng kirot sa puso ko. Hanggang sa mabasa ko ang bagay na mag papa bago sa nararamdaman ko.

Dear Diary.(07.16.11)

Ansakit... Ansakit makita syang may kasamang iba... Oo alam ko naman na wala akong karapatan e. Pero anong gagawin ko e may nararamdaman na ako para sakanya. Alam mo ba sabi saken ni besha hindi na raw ito crush kase siguro daw mahal kona sya. Mahal kona nga ba talaga sya ha diary ? Tinamo. Hinahatid sya ng mga mata ko pauwe ng bahay nila, kung asan sya andon din ako, kada mag re-recess sya nasa may malapit lang nya ako, sa tuwing may laro sya ng basketball nanonood ako, tapos kanina sinundan ko sya sa park at nakita ko... Nakita ko may kasama sya at alam mo ba ansaya nila.... Naiingit nga ako e. Sana kase ako na lang yung kasama nya kanina. Sana ako na lang yung nakakapag pasaya sakanya. Thank you diary kase bukod kay besha andito ka para masabihan ko. Good night diary itutulog kona lang to para kahit sandali maka limutan ko na nasasaktan ako.

-Macey

Ugh! Bakit hindi nya sinabi saken lahat ng to ? Ugh! Ganon ba ako kamanhid para hindi mapansin lahat ng effort nya ?

"Derrick! May game pa tayo tara na. Ano ba yang binabasa mo.? " kukuhain nya sana yung diary pero itinabi ko agad ito sa bag ko.

"Piolo Susunod na lang ako" sabi ko sakanya, nag nod naman sya

Ako nga pala si Cyril Derrick Santivañes at yung kanina isa yong diary , diary ni Macey Anne Rivera.

HER DIARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon