CHAPTER FOUR!

0 0 0
                                    

Ilang taon na ang naka lipas pero wala paring balita kay Macey miss na miss kona sya. Miss kona yung sobrang kaingayan nya sa corridor kapag dadaan ako, yung malakas na boses nya sa tuwing kakanta sya, yung pang aasar nya kila piolo. Macey bumalik kana please... Mahal na mahal kita.

Putek! Ilang taon na pero kapag naa alala ko sya naiiyak ako. Nakaka bakla pero eto yung nararamdaman ko e.

*kring kring kring.*

"Hello ?"

"Hello! Derrick si besha bumalik na. Derrick bumalik na si Macey." Sabi nya sa kabilang linya

"Si..... Macey" si macey bumalik na ?

"Oo. Nasa bahay nila sya ngayon. Puntahan mo sya derrick"
"Salamat." Yun na lang ang nasabi ko dahil sa sobrang saya.

"Oo. Basta para sayo! Sige na derrick ingat ka."

*toot toot toot.*

"Mom, alis na po ako. " paalam ko kay momny pag ka alis ko ng sementeryo dumeretsyo ako sa bahay nila macey.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Saya kase sawakas makikita kona rin sya, lungkot kase baka hindi nya na ako mahal, kaba dahil baka hindi na sya yung dating Macey na kilala ko.

"Macey...." Sabi ko pag ka baba ko ng kotse nakita ko sya sa may gate nila
Nagulat sya ng makita ako pero naka bawi rin napansin kong tumingin sya sa hawak ko.... Yung diary nya at bigla na lang may luhang pumatak sa mata nya,

"Derrick..... Yung diary" basag na yung boses nya

"Oo. Kagaya ng sabi ng best friend mo ingatan ko."

Napa hagulhol sya sa pag iyak. Lumapit ako sakanya pinunasan ang mga luha nya at niyakap sya.... Ng mahigpit

''Macey...? Macey mahal rin kita." Lalo syang napa hagulhol sa pag iyak nya kumalas ako sa pag kaka yakap para makita ang mukha nya.

"Hindi ba dapat masaya ka kasi mahal din kita.? Macey bakit may iba kana ba.?" May halong lungkot ang mga boses ko dala narin ng malapit na akong maiyak kase nasasaktan ako.

"No.... Wala , hindi mali ka ng iniisip.... Pero sana nga may iba na lang ako." Naiiyak nya paring sabi

"Hindi mo na ba ako mahal ?" This time tumulo na yung mga luha ko.

"Mahal na mahal parin kita.... Pero Derrick please wag ako iba na lang." Napa hagulhol ulit sya sa mga sinasabi nya.

Ansakit marinig yan lalo na kung sa taong mahal mo mismo nangaling.

"Derrick sorry... Pero wag ako...." Tumalikod na sya sakin at nag lakad na papalayo.... Papasok sa bahay nila

"Salamat kase pinahalagahan mo yung diary ko. Pag nag kataon yan ang kahuli huli hang alala na meron ka saken." Bago ko pa ma realize yung sinabi nya naka pasok na sya sa loob.

Gulong gulo na ang isip ko sa mga nang yayari ulit-ulit kong naririnig yung mga salitang sinabi nya saakin.

"Wag ako iba na lang..."

" Pag nag kataon yan ang kahuli huli hang alala na meron ka saken."

Sh*t gulong gulo na talaga ang isip ko. Kasalukuyang papunta ako ngayon sa bahay nila. Ng makita kong sumakay sya sa kotse nila kasama ang mommy at daddy nya ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at sinundan ko sya-----sila.

Ngayon ko lang na realize na an laki ng pinag bago nya.
Pumayat sya...Lalo, maiitim at nag lalakihang eye bags, she looks paled. Nakita kong bumaba sila sa hospital... Gulong gulo man sinundan ko parin sila. Dumiretso sila sa isang kwarto nasa labas lang ako.. Hinihintay silang lumabas. Medyo lumayo ako para kung lumabas man sila hindi nila ako makikita.

Ilang minuto pa ang nakalipas at lumabas na sila... Umiiyak ang Mommy nya, tulala ang daddy nya, at sya.... Dirediretso lang sa pag lalakad.

HER DIARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon