Lalo akong naguluhan sa nakita ko. Kaya napag pasyahan kong pumasok sa kwartong pinasukan nila. At doon nakita ko ang isang..... Doctor
Bakit ? Bakit sila pumunta sa isang doctor ?
"Good morning Mr.?"
"Santivañes." Sagot ko
"Hmmm ? May sched kaba ng check up sakin ?"
"Actually doc wala po. Gusto ko lang po malaman kung bakit nandito ang mga Rivera" pag tatanong ko,
"Sorry Mr.Santivañes pero bawal kaming mag bigay ng info."
"Please... Doc gulong gulo na po ako. Kailangan ko malaman bakit kailangan nilang pumunta dito" pag ka sabi ko nyan bigla na lang may tumulong luha sa mata ko. Nakikita ko ang awa sa mata ng doctor na kaharap ko. Pero wala akong paki sa awa ang kailngan ko ay malaman ang lahat.
Bumuntong hininga sya bago mag salita ulit.'' Si Ms.Macey ang ginagamot ko." Nanlumo ako sa nalaman ko. Si macey ? Pero bakit ? Tsaka yung kahapon ? Yung mga sinabi nya.
"She has.... Brain tumor stage four!." Napaupo ako bigla sa upuan malapit sakin inalalayan naman ako ng nurse. Bakit ? Bakit ? Sa dinami rami sya pa ?
"May taning na ang buhay nya..." Pag papatuloy pa nya
"Maybe weeks ? Months ? Or even a year.? It depends on her on how she handled her case. But in her case I'm sure hindi na rin tatagal. Hindi na ume epekto ang mga gamot sakanya I'm so sorry Mr.Santivañes. "
"Salamat po." Tumakbo ako papunta sa sa sakyan ko. Pinag sisispa ang tires ng kotse ko, hanggang sa naisipan kong umalis at pumunta sa taong handang makinig sa mga hinanakit ko. Mommy.
"Mom.Kailangan ko si macey hindi pa sya pedeng mawala. Mom si macey na ang dahilan kung bakit masaya na ulit ako. Mom hindi ba kasama mo na si god? Mom please hilingin mo sakanyang dugtungan yung buhay ni Macey mom please I'm begging you." Matapos kong sabihin lahat ng yan bigla na lang may tumulong luha sa mga mata ko. Nakaka bakla man pero masakit lang kase. Sa tanang buhay ko ngayon lamng ako nag makaawa ng ganito.
"Sabi ko na nga ba andito ka e." Nagulat ako sa nag salita pag lingon ko nakita ko sya.... Si Macey
"A-anong gi-ginagawa mo dito ? Ba-bakit alam mong na-nandito ako ?"
"Hahaha simple lang stalker moko dati e*wink*" pano nya nagagawang makatawa ng ganyan ? Sa kalagayan nya habang tulala ako nakitang nag sindi sya ng kandila sa puntod ni mom at nag lagay ng bulaklak dito.
"Ohh tahimik ka ata." Panimula nya.
"Macey....." Niyakap ko sya "totoo ba ?"
"Hayst. Ano pa nga bang silbi kung itatago ko ? E malapit narin naman akong mawala. Oo Derrick kung ano man yung nalaman mo tungkol sakin totoo lahat ng iyon"
"Macey habaan mo pa yung buhay mo please... Please macey..." Pagmamaka awa ko. Lahat gagawin ko madugtungan lang yung buhay nya..
"Hahaha kung pede nga lang e bakit hindi.'' Tiningnan ko sya sa mata tsaka sinabing
"Kailangan kita Macey, please lumaban ka... Mahal kita"
Tumayo sya at nag salita"Mahal mo ko kase kailangan moko , o kailangan moko kase mahal moko." Ewan ko pero hindi ako makapag salitaara bang nawala lahat ng lakas ko dahil jan sa tanong na yan.
Tinalikuran nya ako at nag simula ng mag lakad.
"Kailangan kita kase mahal kita... Macey!"sigaw ko. Tumigil sya sa pag lalakad at nag salita
"Oo hanggang ngayon mahal parin kita Derrick. Pero hindi ko kailangan ng awa." Nag simula na ulit syang mag lakad... Mag lakad palayo sakin... Palayo sa puso kong nag mamaka awa para lumaban sya...