Chapter 5
"Gameover!" sigaw ni Bill sa tabi ko.
Inulit pa talaga?! WAAAAAAAAA. Yung nilalaro ko. B.llsh.t yan.
Nagulat ako syempre.
Unang gulat e yung, nag gameover yung nilalaro ko. Nyemas. Pinaghirapan ko yun e. Gusto kong magwala. Gusto kong magalit. Gusto ko siyang sigawan pero di ko nagawa kasi.. Tinamad ako :) Wala namang magagawa yung galit ko sa kanya kasi ako pa rin naman siguro yung matatalo in case magkaroon ng confrontation.
Pangalawang gulat e yung sinabi niya. Sh-t. Ba't ako? Ayoko nga sumali e! Gusto niya akong maging partner for prom? Sinuswerte siya!
Tinignan ko lang si Frina. Yung parang mapapatay ko na siya sa sobrang galit. Ang tagal na niyang naghihintay. Ganun din yung mga kaklase ko.
Tingin niyo. Anong sinagot ko nung panahon na yun na sobrang asar ko sa kanya?
Kung ‘Hindi, Ayoko' ang tingin niyo. Sinasabi ko sa inyo,
MALI KAYO. Dahil nung moment na tinignan ko siya, yung mukha nyang parang bata na ayokong tanggihan, para akong nasaniban ng ispiritu ng kung ano at napasagot ako ng.. "Sige, OO!"
Narinig ko ang sigh of relief ng mga tao sa loob ng room. She clapped her hands when she heard my answer. "Salamat!" nakangiti niyang tugon. At sa puntong yun, naramdaman ko na may humila sa akin. Sino? Si Frina.
"Tara! Magpractice na tayo."
Practice? O.o
"Para saan?"
"Sa Cotillion!"
Anooo?! Magsasayaw kami? Kalokohan. Ayoko sumayaw. Ayoko! Inalis ko ang tingin ko sa kanya.
"Kung date, okay lang. Pero yung sasayaw? Hindi pwede!"
Umatras siya, "Ang KJ nito! E para san pa na ikaw partner ko kung hindi tayo sasayaw?" reklamo pa niya.
Kapal talaga. Siya na nga lang nagyayaya. Siya pa ang nagagalit.
Hindi na ako sumagot, bagkus ay nagpatuloy ako sa nilalaro ko. Fail. Wala na nga pala. Gameover na yung nilalaro ko.
Siya naman, nanatili lang na nakatayo. Pinagtitinginan na kami ng mga madlang people.
Ang tagal na niya doon. Mamaya pa ng konti e umalis siya at naglakad papunta sa upuan niya. Doon, ibinuhos niya lahat ng sama ng loob niya.
Umiyak siya. Umiyak talaga.
Lahat kami natahimik at napatingin sa kanya.Yung luha niya parang rumaragasang ilog na tuloy-tuloy ang pag-agos.
Hindi ko alam kung totoo na talaga 'to o umaarte lang siya. Magaling din kasi siyang umarte. Lagi ngang kontra-bida ang mga role niya. Ang hirap maniwala. O.o
Hindi ko pa siya nakitang umiyak kahit na kailan. Yun yung unang pagkakataon. Ang sarap niyang panoorin. Para siyang bata na inagawan ng candy. Kung umaarte lang siya, ang galing niya! At sa sobra niyang galing, parang gusto ko ng maniwala.
"Hindi ka ba naaawa kay Frina? Umiiyak na o!" bulong ni AJ.
Hindi ko pinansin.
"Ba't mo pinaiyak?" Singit ni Arille.
Deadma pa rin ako.
"Ikaw unang nagpaiyak sa kanya." sabi naman ni Martee.
Oo nga ano? First time niya nga palang umiyak dito sa school. First time syang makita ng mga tao na umiiyak. At yun, e dahil sa akin. Anoo? Ako ba unang nagpaiyak sa kanya?!
At dahil sa labis na pang uusig ng konsensiya ko sa akin. Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Sige na. Payag na ako."
Tumigil siya sa pag-iyak. Tumayo siya, "Sumayaw ka mag-isa mo!" Tapos ay lumabas na siya ng room.
Ano naman ba ang drama niya?!
Nakita niyo naman siguro kung gaano kaarte ang babae na ito. Ako na nga pumayag, ayaw pa din niya? Hay.
"Puntahan mo kasi sa labas! Yayain mo." Utos ni Alyssa.
Ako pa ba? Ako pa ba ang mangyayaya?! Sinuswerte siya!
Oo. Sinuswerte nga! Dahil maya-maya pa ay natagpuan ko na ang sarili ko na papalapit sa kanya.
Nakatayo siya sa labas ng room. Nakatingin siya sa mga nagpapractice. Hindi na siya umiiyak.
"Hoy!" I poked her in the arm.
Hindi siya tumingin sa akin. Naglakad siya palayo. Dineadma ako?!
Sumunod pa rin naman ako sa kanya. "Sorry na!"
"Akala ko ba ayaw mong magsayaw?" she frowned.
"Hindi. Gustong-gusto ko nga e!" energetic ko daw na sagot.
"Weh? Sarcastic!" hindi siya nakumbinsi.
"Tss. Halika na!"
Ewan kung anong pumasom sa isip ko pero bigla ko na lang sya inakbayan. Akala ko mababasag mukha ko pero sumama sya at naglakad kaming dalawa papunta sa practice.