"How dare you? Bakit mo tinawagan si Ejay para papuntahin dito?" sabi ko kay Mela nung makapasok na ko sa kwarto.
"Tinulungan lang kita. Mas maganda na yung pareho mo silang kaharap. O ngayon, sino'ng mas matimbang?" sagot n'ya sa'kin.
"Hindi ko alam," sabi ko tapos pasalampak akong umupo sa kama.
"Alam mo yan. Nakita ko sa mga mata mo kanina kung pano ka tumingin sa kanilang dalawa," sabi n'ya.
"I don't know if he's deserving." I don't want to drop a name at this point.
"Sino?" tanong n'ya.
"Basta. Si Ejay kasi, madami na kaming pinagdaanan eh. Madami na kaming nagawang sakripisyo."
"Gwen, kapag pipili ka between two important persons in your life, the question is, who's going to be worth it."
"What do you mean?"
"Ang ibig kong sabihin, hindi lang yung mga sakripisyo at mga pinagdaanan n'yo ang dapat na maging basehan mo kung sino yung karapat-dapat. Ang dapat mong isipin ay kung sino yung worth it sa kanilang dalawa. Kung sino yung karapat-dapat na ipaglaban," mahabang sagot n'ya na may kasama pang pakumpas-kumpas ng kamay.
"Pa'no ko malalaman kung sino?" tanong ko ulit.
"Alam kong alam mo na kung sino. Ayaw mo pa lang aminin sa puso mo."
"Siguro dapat alamin ko muna kung worth it s'ya," sagot ko.
"Sa palagay ko naman he's worth it," sabi n'ya. Nakatayo lang s'ya sa gilid ng pinto.
"Kilala mo ba kung sino'ng sinasabi ko?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman. The way you look at him, I can tell."
"Wehh?"
"Gwen, the man who puts that look in your eyes is either worth everything or nothing at all," sabi n'ya na nakapag-paisip na naman sa'kin.
-------------------------
"Girl! Excited na ko sa educational tour bukas," sabi ni Jen nung magkausap kami bago yung klase ni Sir. Nakipagpalit muna s'ya ng upuan sa katabi ko.
"Ikaw na excited," sabi ko.
"I have plans," sabi naman n'ya. Parang ang saya-saya n'ya ngayon samantalang ako naman namo-mroblema.
"Like what?" walang kainte-interes kong tanong.
"Kung pano ka mapapansin ni Sir."
"Talaga? Jen? Kelangan pa ba? Eh kahit naman hindi ako magpapansin dun s'ya ang gagawa ng
paraan para mapansin ko s'ya eh," walang kayabang-yabang kong sabi. Wala talaga.
"Ayy, taray. 100% ang confidence ni ate," natatawa n'yang sabi.
"Bakit? Totoo naman ah?" sagot ko. Pero kung kelangan ko talagang magpapansin kay Sir para mawala sa eksena si Liezel, why not?
"Basta, may plano ako. Mawawala sa eksena si Liezel," sabi n'ya.
"Anung gagawin mo kay Liezel?" tanong ko. Actually simula nga nung um-eksena si Liezel, nagkaroon kahit papano ng spice ang love team namin ni Sir eh.
"Watch and learn," sabi n'ya tapos tumayo na s'ya para bumalik sa upuan n'ya kasi dumating na si Sir.
"Good afternoon, guys," greet ni Sir sa'min. Sauce, kung maka-'guys' ka naman, akala mo ka-edad ka namin eh noh?
"Good afternoon Sir," bati naman namin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
No FicciónIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...