Habang nakaupo at naghihintay ay pinagmamasdan ko ang aking mga kaklase habang naglalaro sa harap ng aming silid-aralan.
Kita sa kanilang mukha ang saya at giliw sa pakikipaglaro sa bawat isa.
Gusto ko sanang sumali,ngunit kapag ginawa ko iyon ay paniguradong papagalitan ako ang aking kuya.
Habang nakatingin sa kanila ay biglang lumapit ang aking guro at upo sa aking tabi.
"Bakit hindi ka sumali sa kanila?" ang tanong niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya at hindi agad nakasagot dahil sa nahihiya ako sa kanya. Ito ang unang araw ko sa paaralan, kaya normal lang siguro ang nararamdaman ko bilang isang bata.
"Kasi po baka magalit si kuya Bryan" ang mahina kong sagot habang nakatingin sa ibaba.
Hindi ko nakikita ang reaksyon niya.Kinakabahan ako, hindi ko alam ang iniisip niya.
Akala ko ay magtatanong ulit sya pero nagkamali ako.
Sa aking pagtingin ay nakita ko ang ngiti sa kanyang labi na mas nagpapaganda pa sa kanya.
Nakaramdam ako ng kagaanan ng loob at nawala na rin ang aking kaba.
Sa una kong araw sa paaralan ay kasama ko ang aking guro sa paghihintay ng aking sundo.
Hindi ko alam kung bakit ako masaya pero alam kong na nakahanap ako ng isang bagong kaibigan.
Sa paglipas ng araw ay naging malapit at mas gumaan ang loob ko sa kanya.
Tuwing uwian ay parati na kaming nagkukwentuhan tungkol sa iba't-ibang bagay tulad ng pamilya, kaibigan at pag-ibig.
Kahit minsan ay kwentong walang kwenta.
Nakikinig kami sa bawat isa ng may ngiti sa aming mga labi.
Masaya akong kasama siya at totoo iyon.
Araw-araw kong nakasanayan ito tuwing uwian.
Akala ko ay saya lang ang aking madarama kapag kasama ko siya pero nagkamali ako dahil isang pagyayari ang hindi ko inaasahan.
Isang pagyayari na nakapagpabago sa buhay ko at sa buhay naming lahat.
........................................................................................
Author's Note: Hello!! Sana ay magustuhan nyo ang kwentong nasa aking puso't isipan na ibabahagi sa inyo sa pamamagitan ng mga salita na unti-unting bumubuo ng mga pangungusap. Sorry nga pala sa mga maling grammar,spelling at malalalim na salita pero sana po ay patuloy nyo syang subaybayan.
BINABASA MO ANG
Raindrop
Historia CortaA raindrop landing on your cheek is a kiss from someone that lives in Heaven and is watching over you.