Ano ang madalas nyong marinig na salita sa bawat computer shop na makita nyo dito sa pinas? GG? RM? Mga "Trashtalk" at "Realtalk"? Lahat ng makikita mong tao dito sa pinas na katulad ko ay na naadik sa larong DotA. Hindi ko alam kung bakit naaadik ako o ang isang tao sa larong ito? Kahit Umaga, Hapon, at Gabi at minsan din kapag walang pasok nagpupuyat ang isang tao para lang makapaglaro ng DotA. Kahit minsan wala pang almusal , di pa kumakain ng tanghalian at kahit wala pang ligo naglalaro na ng DotA. Huwag kayong magtaka kung ginagawa namin yan. Ang paglalaro namin ng DotA ay parte na ng araw-araw na gawain namin manlalaro.
Ano nga ba ulit ang DotA? Ang DotA ay pinaikling salita mula sa pariralang Defense Of The Ancient ito ay nagmula sa video game na Warcraft: Reign of Chaos nang tumagal ay naging Warcraft: Frozen Throne. Ang isang magandang laro ay minsan tumatagal ng hindi bababa sa 30 mns at kung minsan ay meron pang game 2 , game 3 at game 4, (katulad lang ng kaninang paglalaro ko kasama ang kaibigan) na kinakailangan nang napakaraming oras. Sa midgame o kalagitnaan ng laro kung saan nagkakainitan na ang laro ay marami kang mga salitang di kanais-nais na maririnig mula sa bibig ng mga naglalaro hanggang sa tenga mo. Di kasi buo o sasaya ang isang laro kapag walang nan-Trashtalk o Trashtukang nagaganap.
Hindi ko na maiipagkailang ang paglalaro ng DotA ay nakakaadik. Sa sobrang pagkawili ng isang tao sa paglalaro nito di na nila o namin namamalayan ang oras na nasasayang namin dahil sa paglalaro nito. Dahil sa maliit na bente pesos ay maari na kaming makapaglaro ng DotA at maari mo na rin makalimutang gumawa ng Homework, Makapagaral ng ayos dahil sa paglalaro nito.
Sa katulad kong kabataan ngayon, natitiyak kong hindi talaga sapat ang pagsasabi ng "magaral ka ng mabuti anak". Madaling sabihin pero ang gawin ito ay nangangailangan ng ibayong pagpupursigi at tiyaga. Kapag sobra ang pag-aaral ay ma-iistress ka talaga . Kapag sumobra naman sa paglalaro ay maaaring mapabayaan mo naman ang iyong pag-aaral at yun ang maging dahilan upang bumaba ang mga grado mo sa eskwelahan . Ang lahat ng sobra ay masama, pwede siguro nating ipasok ang pag-iistrategy dito katulad sa DotA . Pag-iistrategy hindi kung paano makapatay ng hero sa laro kung hindi kung paano mababalanse ang oras natin sa pag-aaral at paglalaro ng DotA.
Hindi naman ganun kaperpekto ang larong DotA sa totoo lang hindi panghabang-buhay na nandyan ang larong ito. Wala naman masama sa pagkaadik sa larong ito kung hindi naman 24/7 na ikaw ay naglalaro. Yung masama nagtanghalian na hindi ka parin kumakain ng almusal,Yung tipong wala nang ligo makapaglaro lang ng DotA, Yung matutulog ka ng 2 am ng madaling araw para lang makapaglaro nito tulad ng nararanasan ko ngayong bakasyon. Mahirap na talagang kalimutan ang larong nagustuhan mo na nung umpisa kang makakita ng computer. Yung pilit na gusto mo ng kalimutan sa buong buhay mo pero hindi mo magawa dahil ito lang ang nagbibigay saya sa oras na nalulumbay ka.
Gaming is not a dead end there's a future behind it It might be existent now but I will make it possible -Ronald "Rhom" Robins (Father of Philippine Esports)