Umuwi si ate Gwen dahil dito siya magbabakasyon. Akala ko mag-isa lang siya. Ang sabi niya kasama niya ang boyfriend niya. At ikaw 'yun.Masaya kami kasi may boyfriend na si ate na sa wakas ay ipapakilala na niya sa amin. Dati kasi ay nagkakaboyfriend siya pero hindi niya pinapakilala sa amin kasi daw hindi pa siya sigurado. At sabi niya sigurado na daw siya sayo.
Mabait ka, kaya tinuring kitang kuya. Naging bestfriend at kuya kita at the same time. Masaya ako kasi sa wakas may kuya na ako. Pero katagalan nagiging crush na kita. Pero crush lang naman kaya binalewala ko lang.
Ang sweet niyo ni ate. Maalaga ka at maalalahanin. Responsible ka. Kaya boto ako sayo para kay ate. Sinabi ko 'yan sayo nung time na nagpapahangin tayong tatlo sa labas ng bahay.Isang araw pinatawag si ate sa trabaho kaya kailangan niyang bumalik. Sabi mo sasama ka pero sabi niya babalik siya kaagad at kailangan mo daw nang bakasyon kasi puro ka na lang trabaho kaya naiwan ka dito. Sa akin ka binilin ni ate. Ang sabi pa niya,
"Bantayan mo 'yang kuya mo dito. Baka makahanap 'yan nang iba hindi mo na siya magiging kuya."
Tinawanan ko lang 'yon. Pero binabantayan talaga kita para walang iba na makalapit sayo. Nagagalit ako kapag nakikipag-usap ka sa ibang babae especially, sa mga magaganda. Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit. Iniisip ko siguro kaya nagagalit ako kasi feeling ko you are cheating on my sister.
Bumalik si ate after one week. Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit kapag nakikita ko kayong sweet. Siguro nagagalit lang ako kasi napalapit na ako sayo kasi kuya kita at wala ka ng time sa akin. Dumistansya ako ng kunti sayo kasi parang nasanay na ako na ikaw ang kasama ko.
But one day kinausap mo ako. Gusto mo nang magpropose kay ate. Sinabi mo ang plano mo. I ignored the slight haertache I felt that time. Tinulungan kita. Tinulungan ka namin ng buong pamilya. Alam na din pala ng pamilya mo ang plano mo kaya pumunta sila agad.
Nagpa-book ka ng reservation sa isang restaurant dito. Ang plano ay aayain mo si ate na mag family dinner tayo. Hindi niya alam na kasali ang pamilya mo.
Her face was priceless when she saw your family at the restaurant. Magtatanong sana siya kung bakit nandito ang parents mo pero lumuhod ka bigla sa harap niya. Yung luhod na pang proposal. Ang dami mong sinabi kaya tinawanan ka ni ate. Matagal pa bago nakasagot si ate sayo. Pero oo naman ang sagot niya kaya worth it ang paghihintay mo.
I was so happy for the two of you and I, again, ignored the ache I felt when the two of you kissed. Masaya ang dinner kasi may ikakasal na. Ang sweet niyong dalawa. Tapos ang mga parents mo plano agad sa kasal ang gustong pag-usapan. Halatang boto sila kay ate. Parati niyo akong binabangit sa usapan niyo at balak niyo pa akong gawing maid of honor kasi malapit kayo sa akin. I have to force a smile at tumango na lang.
Tiniis ko ang sakit na nararamdaman ko tuwing sinusubuan mo si ate. Kaya when I finished my food I excused myself at lumabas. Pumunta ako sa garden ng restaurant. Gusto kong makaalis sa loob. Palayo sa inyong dalawa ni ate. At gusto ko ring mapag-isa.
Naupo ako sa swing at naisip ko na ang tanga ko. Magmamahal na lang ako pero sa engaged pa. Ilang beses ko na bang naisipan na magtapat sayo? Dalawa? Tatlo? Lima? Ewan. Pero paglalapit ako sayo ay naiisip ko si ate. Nagi-guilty ako dahil minahal kita at kayo ni ate. Paano na lang pag nalaman ni ate na mahal kita? Alam ko magagalit siya at lalayo ka na sa akin. Pati si ate lalayo din. Kaya mas mabuti nang tumahimik na lang.
Kaya pala lumalabo na ang mata ko kasi umiiyak na ako. Hindi pa naman ninyo kasal pero masakit. Parang pinipiga ang puso ko. Ano na lang pagkasal niyo na? Siguro mamamatay na ako sa sakit sa puso.
Kuya Charles, mahal kita. Sana maging masaya kayo ni ate. Masakit pero mas masakit pag si ate ang nasasaktan. Kaya alagaan mo siya ha? Kahit minsan ay masungit siya ay mahal ka niya.
Meant to be kayo ni ate kaya inggatan mo 'yan.
You are not meant for me because you are meant for her. Don't worry. I'll let you go and I'll find the one for me. Maybe not today but who knows? Maybe I'll find him tomorrow waiting for me somewhere.
BINABASA MO ANG
Let Go And Find The One
Short StoryLetting go and finding the one Both are easier said than done. It's hard to let someone go and it's harder to find the one for you. So, how can Isabella let go of someone she loves and find the right one for her?