Introduksyon

6 0 0
                                    

Ako si Billie. Gertrude Rizabeth Abad ang tunay kong pangalan, in short Billie. Wag ka na magtaka, kasi yung Billie is pinaarte at pinaiksing "bilbil". Hohoho! Chabelita kasi ako kaya ganun!

Hindi naman talaga ako tabain noon. Hanggang isang araw namalayan ko na lang na hindi na kasya sakin yung paborito kong pants. Walong taon ko din yung ginamit ha! At one time bumili ako ng "bolero" na pinagpipilitan kong sabihin na, "Jacket 'to!" Wala naman naniwala, ako lang ang bukod-tanging nanalig na jacket nga yun. Natinag lang ako nung di na sya magkasya sa braso ko at parang naging kamukha ko na si Winnie the Pooh sa tuwing sinusuot ko sya.

The Heart Wants What It WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon