NICHOLE'S POV
"Goodnight everyoneeee" paalam ko sa kanilang lahat para sa aking pagtulog. Sa pagpikit ko ng aking mata ay doon na nagsimula ang isang kahindik hindik na pangyayari na hindi ko akalaing manyayari sa tanang buhay ko...
~~~~~
"Guys kain na tayo oh gutom na ako huehue" pagmamaktol ni Sassy samin, di ko siya masisisi kanina pa kami walang kain simula kaninang tanghali pa.
Btw, andito nga pala kami sa school namin para sa aming overnight camping. Marami kaming ginawang activities ngayon thats why kanina pa rin nagmamaktol sa gutom si Sassy.
" Okay guys tigil niyo muna lahat ng ginagawa niyo bukas na lang natin to tapusin, kain muna tayo" hays sa wakas kanina ko pa to hinihintay eh whoo 😂
Inayos na namin lahat ng ginamit namin sa ginawa naming activity at nagsabay sabay na kaming kumain.
Si Ate Kate ang nagluto ng ulam namin since di naman siya nakatulong sa activities dahil inatake siya ng hika kanina."Ate Kate, walang kupas talaga sa sarap tong adobo mo!!!" pamumuri ni Daryl kay Ate Kate.
"Asus binola mo pa ko hahaha pero salamat" -Ate Kate
Habang kumakain kami, bigla na lang lumakas ang simoy ng hangin. Ewan ko ba pero may masama akong pakiramdam dito.
...
Natapos na kaming kumain at nagvolunteer si Sophia na maghugas ng pinggan. Samantalang kaming natitira ang siyang nagayos ng tent namin at ng hihigaan namin sa loob. By the way highway bago ko makalimutan, sasampu lang kaming nagcacamp ngayon sa school: Me Sassy, Sophia, Ate Kate, Daryl, Kuya Nick, Ate Dina, Gary, Jen and Olivia.
"AAAAAAAHHHHH" isang mahabang tili ang narinig namin sa dulo ng oval kung saan naghuhugas si Sophia.
"GUUUYYYSS SI SOPHIA NANDUN SIYA BAKA NAPANO NA SIYA, SUNDAN NATIN GUUUYYYSS!!!" sigaw ko sa kanila dahil nagpapanick na talaga ko, Sophia is my closest friend though hindi ko siya bestfriend pero pinakaclose ko siya sa lahat ng close friends ko.
Dali dali kaming tumakbo lahat sa dulong parte ng oval pero pagdating namin dun isang kagimbal gimbal at nakakadiring eksena ang naabutan namin.......
Si Sophia......
kinakain ng isang duguang tao ang lamang loob niyaaaaa....
ANO NA TOOO?!???! Wattdapak gantong ganto yung mga nababasa ko sa wattpad eh shit shit shit....
"ZOMBIEEEEESSS" malakas na sigaw ni Jen. Ohshet Jen wrong move Jen wrong move. Paglingon namin sa direksyon ng zombie ay nakatingin na ito sa amin and guess what with matching laman pa sa bunganga with matching blood sauce. WATTDAPAK KADIRIIII.
Wrong move to si Jen bwisit siya. Dahil sa kanya papalapit na ung zombie samin.
Dahan dahan lang kaming umaatras at dahan dahan din namang lumalapit ang zombie samin. Mahirap na kapag tumakbo kami alam naming mas mabibilis tong mga hinayupak na halimaw na to huhuhu.
"Guys listen, in the count of 3 pag sinabi kong takbo, tatakbo tayo ha." Pabulong na sabi samin ni Kuya Nick.
Takte ang lapit na ng zombie magbilang ka na kuyaaaaaaa!!!!
"1....2.....3........ TAKBO GUYS WALANG TITIGIL"- Kuya Nick. And we started to...
"RUN LIKE HELL BITCHES HAHAHA" sigaw ni bitchy Olivia. Aba walastik tong babaitang to may zombie na nga nagawa pang tumawa.
Takbo lang kami ng takbo, wala ng lingon lingon, di ko na nga alam kung sino pang kasabay ko. Hindi ako track and field runner pero feeling ko sa oras na to ilang milya na yung natatakbo ko.