Hmm... bakit parang ang init? ang alam ko bago matulog nakasando at pajama ako , dahan-dahan kong iminulat ang mga mata.
ANO TO? NASAAN AKO? sandali,para akong nasa makalumang panahon. Kaninong kwarto ito?
Halatang hindi ordinaryong tao ang umuukupa sa silid na ito dahil sa kagamitan na narito.
ang bongga naman nitong suot ko, first time kong magsuot ng royale dress. Para akong prinsesa sa suot kong ito. Saang ukay-ukay ito galing?
"mahal na prinsesa nakahain na ang almusal, maari na po kayong bumaba !"
A-ano daw? Kailan pa kami nagkaroon ng katulong at parang napakapormal kung manalita?
what's happening in this country?
Anong dapat kong isagot ? Ano ba yan !
" ah..eh sunod na lang po ako"
oh my holy cheese, is this really happening?
At bakit parang ang dami kong tanong na hindi naman nasasagot?nagugulumihanan man ay dagli akong tumayo at inayos ang nararapat ayusin sa sarili.
Binuksan ko ang pinto ngunit bago iyon ay tumingin muna ako sa kaliwa at kanan kung may tao at hindi nga ako nagkamali, walang tao. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga nakikita ko, mga antigong mga larawan na nakakabit sa mga pader, mamahaling pigurin na may mga disenyong nakaukit. Malagintong pasilyo dahil sa mga kumikinang na mga kagamitan. Napaisip tuloy ako kung magkano ang mga ito kapag binenta ko?
Hinanap ko kung saan ang daan palabas sa pasilyong ito. Nasaan nga ba?
Nahagip ng aking mata ang isang hagdanan, madali akong naglakad papunta roon. Bawat hakbang ng aking mga paa pababa sumasabay din ang aking mga mata sa pagtingin sa paligid. Breathtaking talaga !
Natanaw ko sa ibaba ang mga katulong na maayos na nakapila. Kung hindi ako nagkakamali, nasa anim sila. Anong meron?
Pagbaba ko,sabay sabay silang bumati sakin ng magandang umaga. Ngiti lamang ang aking isinukli nahihiya kase ako. Ang awkward at saka di ko pa rin alam ang nangyayari basta sumusunod lang ako sa instinct ko na "just go with the flow".
Maya't maya pa ay may tumawag sa akin, dahilan iyon para siya'y aking lingunin.
" Ate !"
" mahimbing ba ang tulog ng aking mahal na prinsesa?"papa
Mabilis na naglandas sa aking mga pisngi ang mga luha. No ! Please ! This can't be ! P-paanong nangyari ito?
araw-araw pinapanalangin ko na sana bumalik sila. Ang daya daya lang kase iniwan nila akong mag isa dito sa mundong to. Ang hirap mabuhay ng mag isa, na para bang ipinahiram lang sila sa akin tapos babawiin agad. Patuloy lamang sa paglandas ang aking mga luha , wala na akong pakialam kung makita nila akong umiiyak.
" Hija may dinaramdam ka ba? kagabi lamang ay masaya ka." ani papa
"p-papa? papa ikaw nga !"
Hindi ko alam pero madali akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
" scarlet anak, natulog ka lamang ay nagkaganyan ka na?"mama
mayroon namang nagsalita sa aking gilid, agad ko itong nilingon. Si mama...
" mama... tinawag mo ba talaga akong anak?"
"scarlet, yan ka na naman sa mga biro mo sanggol ka pa lamang tinatawag na kitang anak, ngayon mo lamang ba napansin?"mama
hindi ako makapaniwala na nangyayari na nga . Ano ba talagang nangyayari?
nang mamatay sina papa at kurt,kinasuklaman na ako ni mama dahil daw sakin kaya nawala sila at di rin nagtagal sumunod si mama sa kanila. Tuwing gabi lagi kong tinatanong ang diyos. Bakit? Bakit ganun si mama ? Di ba niya naisip na nandito pa ko,na meron pa siyang natitirang pamilya at ako yun? At bakit kailangan ko itong maramdaman at maranasan. Bakit kailangan kong mawalan ng pamilya?
" wala po, masaya lang ako kase buo na ulit tayo" pinunasan ko ang luha sa aking pisngi.
" kailan ba tayo naghiwalay? at sinabi mong buo na ulit tayo?"kurt
Napabitaw ako sa yakap ko kay papa dahil sa narinig kong pamilyar na boses."k-kurt buhay ka rin !"
" hindi naman ako namatay ahh? ikaw talaga mahal na prinsesa oh !"kurt
Nang maramdaman kong parang nawiwirduhan na sila sa akin ay tumigil na ako sa kakaiyak. Sabi nga ng instinct ko " just go with the flow" edi follow my instinct. Na-carried away lang ako kanina dahil hindi ako makapaniwala na nandito sila at buhay na buhay.
" Hija tama na iyan, halika't maupo na." ani papa
"opo"
Masayang sabi ko.Ganoon pa ma't hindi pa rin mawaglit sa isipan ko kung nasaan ako , paano nangyari na buhay sila at magkakasama kami.
BINABASA MO ANG
My Magic Dream World
FantasiaAnong gagawin mo kung magising ka sa isang mahiwagang mundo? papayag ka bang dito na tumira at mamuhay kasama sila? ano ang dapat nyang piliin ang mundo na pinapangarap nya noon pa o ang kanyang tunay na mundo? handa ka bang pasukin ang mundo ko? i...