*First Day ng School*
Este 2nd day na pala para sa iba.. Kakauwi ko lang kasi ng umaga kahapon kaya pagod.. nakatulog ako ng maghapon hehe ... 1st day absent agad XD.. Ok, Continue
Yehey! 3rd year na ako!! XD haha
at hanggang ngayon ay di ko parin binubuksan ang papel na binigay sa akin ng Principal.. Yun kasi ang Section ko.. Tyaka ko na lang titignan pag nasa School na mismo ako... :3 tandang tanda ko pa yung sinabi niya sa akin..
"Congrats. Mr. ClawFord.. Pumasa ka sa Star Section.. Isa lang ang minali mo sa Entrance Exam!!" Sabay sulat sa pinilas niyang papel..
Sana hindi ako mahirapan sa adjustment.. Bakit? Kasi,Transfered Student ako.. XD
Kaya naman mga 5am pa lang ay nakahanda na ako... Excited much?
Ganto lang talaga ako ka-hyper.. Sabi kasi ng mga kabarkada ko, ako daw pinaka Bubbly sa kanila.. hehe Ganun talaga :P
Ako, Si Cronno Clawford C.C for Short.. 16yrs old.. Late na nakapag aral.
Pero may isa akong sikreto kaya ako lumipat sa iskwelahang ito..
------
SoundTrip: First Day High
Kakapasok ko palang pero ramdam na agad ang tensyon.. Parang tangang nakatayo ang mga estudyante habang nakatingin sa isang naglalakad na babae, natanga din ako. Hindi siya naka uniform, naka-all black siya.. Black skinny jeans, Black Converse na hanggang binti at nakablack na t-shirt.. Sa dulo ng itim na itim at napakahabang buhok niya ay may Pula.. Astig tignan.. Maputi siya at Payat..Mejo matangkad din... Tinitigan ko siya pero napatingin siya sa lugar ko..
Tumingin siya.. TUMINGIN SIYA!!! XD Ayyieeeee . Gandang Lahi!! .......... Maririnig mo ang mga ungol ng mga babaeng parang natatakot. Pero bakit parang ang lungkot niya? wala ekspresyon mukha, walang kinang ang mga magaganda niyang mata... Pffft.. So Gay !! :D
Siguro transfered din siya kaya walang kumakausap sa kaniya.. Malapitan nga! :3 Nasa likod niya ako.. Ang bilis niya naman maglakad! XD
"Hi Miss!---------" Buong sigla kong bati sa kanya at dapat ay hahawakan ko ang braso niya pero may humila ng braso ko..
Pagtingin ko ay isang lalaki, Red ang ID, so 3rd year din siya.. Umiling lang siya..
"May problema ba bro?" Tanong ko sa lalaki..
"Wala" Maikli niyang sagot..
"Kilala mo ba yung babae kanina?" Haha, Ganda kasi talaga ee.. Pero nakita kong umilap ang mata ng lalaking to..
"Oo, Pero wag mu nang alamin.." Sabi niya habang nakatingin sa lumalayong Diyosa..:3