Magkaibang Mundo

73 0 0
                                    

Wala ng intro intro. Kwento agad :)

Third year na si Ken, dalawang taon na lang makakagraduate na siya at eto na nga  first day of school sa bagong mundo na kanyang gagalawan.

(flashback)

Nung mga nakaraang taon ng kolehiyo ay naging makulit, magulo, maingay c Ken. Lakas nila man trip ng tropa nya. Paborito pa nilang puntahan nun ay Luneta. Akalain mo ang layo ng school nila sa Landmark na un pero matyaga pa rin silang pumupunta dun kase daw sabe nya saken (close kame ee)  sa byahe pa lang kase may thrill na, mag-ingay sa LRT, magliwaliw sa magulong mundo ng Recto, dumaan sa Quiapo church para magdasal (Likas na sa pinoy ang madasalin) at lakarin ang Sm Manila at Luneta galing Quiapo (Kakaibang trip nga naman, medyo malayo kase un, luge ang babae kase nakatakong sila hehe)

Ngunit dala na rin ng panahon nag matured na ata ang bida. Nagsihinto kase ung mga tropa nya since pamahal na ng pamahal ang tuition sa school nila. Kaya naiwan syang mag isa para ipagpatuloy ang kampanya tungo sa tuwid na landas.

(Take Note)

Sa may bandang Cubao daw school nila ee. Private School daw, ang higpit daw ng mga gwardya dun tapos may hair cut policy pa kaya nakakabadtrip mag aral dun kaya sa mga gagraduate ng High school, piliing mabuti ang papasukang kolehiyo. Kelangan marameng chicks, walang hair cut policy at higit sa lahat mabilis mag suspend ng klase pag may bagyo :)

Anyway wag na naten icriticize ang school kase balang araw tatawagin rin nilang ALMA Mater yan.

Dahil sa nagbago na nga ang ugali ng ating bida, nahiya itong makipag usap sa mga bagong classmates. Dati na rin kaseng magkakasama, magkakatropa ang mga classmates nya ika nga nila Solid sila dre ! Kaya itong si Ken solo flight sa gilid nakikinig nalang sa mga tawanan, kwentuhan, nanunuod nalang sa harutan ng mga bagong classmates nya.

Magkaibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon