* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Nasa loob na kami ng mall kaya naisipan na naming umakyat sa 2nd floor dahil doon namin matatagpuan ang mga branded na mga damit.
Nakapasok na kami sa store na Penshoppe, Bench, People are people, Lee, Jag at iba pa pero hindi pa din nakakapili si James ng pang reregalo para dun ata sa bestfriend niya.
Lalaki daw yung bestfriend nya at kaya daw mahirap hanapan ng regalo yung bestfriend niya eh dahil mapili sa pananamit o nakikiuso.
Pumasok kami sa Department Store at papunta na sana ako sa Men's Wear nang bigla niya akong hilahin papuntang Gown Section.
"Bakit tayo nandito sa mga gowns? Akala ko ba lalaki ang reregaluhan mo?. . . . .
Don't tell me na. . . . . Bakla yung bestfriend mo?" tanong ko sa kanya.
"Baliw ka talaga. Ano tingin mo sa akin, tanga? Syempre para sa iyo yung gown na bibilhin natin ngayon, kasi sasamahan mo ako sa Monday sa Grand Opera Hotel, susunduin na lang kita para masaya." sabi nya.
"Ahh. Pupunta pala tayo sa Hotel." nakangiting sabi ko
"Ano?!!! Kasama ako sa pag puntang HOTEL? Bakit?" gulat na gulat na sabi ko.
"Sige na please! Samahan mo na ako. Hahahaha, atsaka alam ko din naman na gusto mo akong kasama." ang sabi ni James na mukhang namimilit
"Sige na nga. Pasalamat ka mabait ako." ang sabi ko.
"YEHEY! Thank you very much SAMMY!" sabi niya.
Mga 5 na atang gown ang nasukat ko pero hindi pa rin ako nakakapili kasi lahat ng gown na na try ko eh hindi magandang tignan pag suot suot ko na. After 20 minutes nakapili na rin ako.
Cocktail dress yung napili ko na color white then pinalilibutan sya ng black laces.
"Wow, it fits you! Tapos lalo kang gumanda!" sabi ni James sa akin.
Nambola pa ang si monster. Ang shunga ko naman kasi kinilig ako.
Pagkatapos ko maghanap ay nakahanap na din si James. Pero kahit nakahanap na kami ng susuotin para sa party eh hindi pa din kami nakakahanap ng pang regalo dun sa bestfriend niya.
Sino ba kasi yun at pinahihirapan pa kami.
Kaya naisipan namin na kumain muna.
James Point of View
Nakakainis na. Ang hirap talagang hanapan ng regalo itong kaibigan kong ito.
Ano kaya ireregalo ko? Damit, Pabango, Relo o Sapatos? Tama... Sapatos na lang, siguro magugustuhan nya talaga yun.
Btw, nandito ako nakaupo para intayin yung waiter na pumunta dito at hingin ang order namin.
Tinanong ko si Sam kung ano gusto nyang kainin pero ang sabi niya Fettucine Carbonara na lang daw. Eh hindi ko sya masisisi, ayaw nya nga akong pagastusin masyado dun sa gown na gusto nya kanina.
At sa wakas may lumapit na rin na waiter sa amin.
"Hi mam and sir, can I have your order now?" sabi nya sa amin.
"Good Afternoon! 2 Fettucine Carbonara, 2 Lasagña, 10 pieces Tempura and 2 Milktea" ang sabi ko sa kanya.
Umalis na yung waiter. Napa tingin ako sa mukha ni Sam. Mga 5 minuto ata akong naka tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
True Love ♥
Novela JuvenilSino kaya ang nararapat sa puso ni Samantha? Sino kaya ang mananatili at gagawin ang lahat para sa kanya? Kilalanin natin sina Samantha Pangilinan at James Clifford at samahan natin silang tuklasin ang iba't ibang pagsubok sa buhay at sa pag-ibig. C...