PART 1: The Master and the Maid
The Girl’s POV
“Dito ang magiging kwarto mo habang dito ka nagtatrabaho.”
Wow ang laki ng kwarto parang hindi pang maid.
Yup tama ang basa nyo magtatrabaho ako bilang katulong. Hindi naman kasi kami ganun kayaman.
Ang mama ko is OFW pero hindi pa rin sapat ang sweldo nya para pang bayad ng renta sa bahay, bayad sa water bill at electric bill, pang tuition ko at cyempre sa pang-araw na pangangailangan.
Kaya kailangan ko ring kumayod pero ngayong bakasyon lang naman. Magagamit ko rin yung sweldo ko dito pangdagdag sa bayarin sa school.
Katabi lang ng apartment namin ang bahay ng tiya ko na nagbabantay sa amin. Kaya hindi rin naman kami masyadong nahihirapan.
Ang papa ko? Ewan ko. Hindi ko na alam kung nasaan sya. Ang alam ko lang nasa kabilang buhay este kabilang bahay na sya. [OK korni mats]
Tandang tanda ko pa kung paano nya kami iniwan ni mama. Halos magmakaawa na si mama pero iniwan nya pa rin kami
Sobrang iniyakan ni mama si papa. Sobrang sakit din para sa amin na nakikita si mama na maging ganun. Halos kalimutan na ni mama yung sarili nya para lang pagsilbihan kami pati na rin papa pero hindi yun naging sapat para piliin kami ni papa kaysa sa kinakasama nya ngayon.
I hate my papa so much. He leaves my mama in pain.
Dahil si mama na lang ang bubuhay sa amin naisipan nyang pumunta sa ibang bansa. Masmalaki kahit papano ang kikitain nya kapag dun sya magtatrabaho kaya pumayag na rin kami.
Maganda na nga rin siguro na nakapagtrabaho sya dun kasi nakita nya yung lalaking magmamahal talaga sa kanya sa lugar na yun.
Ok lang naman sa amin na mag asawa na ulit sya as long as masaya sya.
Hayst tama na nga to. Ang daldal ko na naman. Sorry guys.
Nagsalita na ulit yung nagtuturo sa akin kung ano yung dapat kong gawin.
“Before 8am dapat gigisingin mo na si Sir. Kailangan hindi sya malelate sa summer class nya.”
BINABASA MO ANG
When a Cassanova Fall Inlove
FanfictionAnong mangyayari kapag ang isang stick to one but loyal to three na lalaki ay nagseryoso at nainlove. Kaya ba nyang isuko lahat ng girlfriends nya alang-alang sa isang babae? Hindi kaya sya maumay kung hindi sya magpapalit ng kanyang flavor of the...