It's Only A Dare [One Shot]

494 19 4
                                    

“Kazumi” tawag sakin ng bestfriend ko.

 “Oh, Eunice”

“Hindi ako makakasabay sayo mag-lunch. May meeting kasi kaming mga officers eh.”

"Hindi ka muna kakain?”

“Pagkatapos na lang ng meeting. Sige, alis na ko.”

Tumango na lang ako.

 Ako nga pala si Kazumi, 18 years old. Bestfriend ko si Eunice simula grade 1.

Maya-maya, bumaba na kong canteen.

 -\\-

 Sa canteen..

 Wala naman akong ibang kaibigan kaya mag-isa lang akong kumakain.

“Ah, miss. Pwede maki-share ng table?”

Nang tingnan ko kung sino un, halos magtatatalon na ko sa tuwa. OMG! Nilapitan ako ni crush at makiki-share pa ng mesa. Pero syempre hindi ako nagpahalata.

Parang nawalan ako ng boses kaya tumango na lang ako.

Tinuloy ko na ung pagkain ko bago pa ko mahalata ni crush.

“Ako nga pala si Hyunseung. Ikaw?”

 Syempre kilala kita noh. Pero hindi ako sasagot. Nakakahiya eh.

“Tahimik ka ba talaga?”

 Again, hindi parin ako sumagot.

“Alam kong sinabihan ka ng magulang mo na ‘Don’t talk to strangers’. Pero gusto ko lang makipagkaibigan.”

Hindi na ko nakatiis. Pero sasagot ako ng may pagkamasungit. Para hindi mahalata na kinikilig ako.

“Fine. My name is Kazumi and I’m not a deaf. I can speak, you see?”

“Masungit ka ba talaga?”

Hindi ako masungit. Ayaw ko lang mautal sa harap mo.

“Bakit ba ang dami mong tanong?”

“Kasi po gusto ko pong makipagkaibigan.”

EEHHH!! Gusto akong maging kaibigan ni crush. Kaya lang ang sakit. Bakit kaibigan lang?

Sorry ka na lang crush, magpapakipot muna ko.

Tumayo na ko kahit hindi pa ubos ang pagkain ko.

“Oh, saan ka pupunta? Hindi pa ubos pagkain mo oh.”

“That’s not your business.”

Naglalakad na ko sa corridor nang may humawak sa braso ko.

“Let me go!”

“Wait. Nakikipagkaibigan lang naman ako, ah.”

“Ayoko nga!”

Ayoko kasing kaibigan lang kita.

“Hindi kita bibitawan hanggat hindi mo tinatanggap ang offer ko.”

OMG! Kinikilig na talaga ko. Hawak ni crush ung braso ko. Sige na nga, tatanggapin ko na.

“Oo na. Just let me go.”

“Sabi mo yan, ah. Wala ng bawian.”

Tumango na lang ako kasi baka manginig ung boses ko.

“Friends?”

“Friends.”

Pagkatapos ng nangyaring yun sa canteen at corridor ay lagi ng sumasabay mag-lunch samin ni Eunice si Hyunseung. Hinihintay rin nya kami tuwing uwian.

Makalipas lang ang ilang araw ay naging mas close pa kami ni Hyunseung. Hanggang sa hindi na simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko sa kanya, unti-unti na pala akong na-i-inlove sa crush ko.

Makalipas ang ilang linggo..

Naglalakad ako sa corridor ng may marinig akong nag-uusap. Babalewalain ko na sana, kaya lang narinig ko ung pangalan ko.

“Ang dali palang utuin ni Kazumi. Akala ko pa naman matalino.”

“Akalain mo, napaniwala sya ni Hyunseung.”

At nagtawanan pa ang mga ito.

“Ang galing mo talaga, pare.”

“Bilib talaga kami sayo.”

“Dahil dyan, ikaw naman ang magbigay ng susunod na dare.”

DARE..

DARE..

DARE..

Unti-unting nag-si-sink-in sa utak ko kung ano ung narinig ko. Naramdaman ko na lang ang mainit na likido sa pisngi ko.

Tumakbo ako papalabas ng school. Wala akong pakealam kung pinagtitinginan ako ng mga tao. Ang mahalaga sa akin ay makalayo sa lugar na ito.

Hindi ko namalayan na madilim na pala. Tinignan ko ang paligid. Nakarating pala ako sa park.

Napaupo ako sa lupa at umiyak ng umiyak.

“Napakatanga ko! Hindi ko manlang nalaman na niloloko lang pala ko ng lalaking un. Nakakainis!”

Tuloy-tuloy lang ang pagbuhos ng luha ko.

“Ahh! I hate you, Hyunsueng! I hate you! Wala kang puso!”

“Walang puso na ba ang tingin mo sakin, Kazumi?”

Unti-unti akong humarap para lang makita si Hyunseung.

“H-Hyunseung”

“Sagutin mo ang tanong ko, Kazumi. Walang puso na ba ang tingin mo sakin?”

Patakbo akong lumapit kay Hyunseung at pinalo ko sya ng sunud-sunod para lang tumulo uli ang mga luha ko.

“Napakasama mo! Tinuring kitang kaibigan. Minahal kita nang hindi mo nalalaman. Tapos malalaman kong dare lang pala lahat ng pinakita mo.”

“Kazumi,ma--”

“Tama na! Ayoko ng marinig lahat ng kasinungalingan mo!”

Tatakbo na sana ko palayo nang hilahin nya ko pabalik at para lang makulong sa kanya.

Umiyak na lang ako ng umiyak hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko.

Nang maramdaman siguro ni Hyunseung na hindi na ko umiiyak ay pinakawalan nya na ko.

“Ipapaliwanag ko sayo ang lahat.”

Umupo muna kami ni Hyunseung sa isa sa mga benches doon.

“Minamahal na kita noon pa, Kazumi. Lagi kitang sinusundan kahit saan ka magpunta. Inalam ko lahat ng tungkol sayo."

"Hanggang sa makilala ko sila Max. Akala ko tunay silang kaibigan pero hindi pala. Pero huli na ng malaman ko kung ano ung mga ginagawanila sa mga estudyante, kakaibiganin, paglalaruan at paiiyakin."

"Nang makita ka namin sa canteen, may naisip si Max. Pinapagawa nya sakin ung mga ginagawa nila, at ikaw ang subject. Hindi ko gustong gawin un sayo. Kaya lang sasaktan ka nila ng pisikal kung hindi ko un gagawin.”

“M-mahal  mo k-ko?”

“Hindi lang mahal. Mahal na mahal. Pangako, hindi na uli kita paiiyakin.”

“Don’t say it, just do it.”

“Ok. Sabi mo eh.”

 A/N:

This is my first story. Kaya kung may mali man o hindi kayo magustuhan, intindihin nyo na lng po sana.

Please vote and comment na rin po.

Kahit positive man yan o negative tatanggapin ko kasi opinyon nyo un.

Follow na rin po kung gusto nyo.

Thanks for reading!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's Only A Dare [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon