the ACTRESS meets her EX

381 5 2
                                    

Chapter 1

 "Ok! Stand by! Ready ka na ba Natalie?"  tanung ng isang walang kwentang direktor

"Kahit naman sabihin ko na hindi, kailangan ko pa rin namang mag shoot di ba?" mataray kong sagot sa kanya

"Ganun na nga" sabay ngiti

"Ang kailangan ko lang namang gawin ay kumain di ba?"

"Oo... Ipakita mo lang na sarap na sarap ka sa pagkain ng pizza"

"Ok stand by na kayo! I'm ready!"

pagkagat ko ng isang slice ng pizza....

"yan! sige pa! kagat pa!"

kagat pa kagat pa....

"cut! ulitin natin... parang hindi ka masyadong nasasarapan"

"Take 2!"

"Take 3!"

"Take 4!"

"Take 5!"

"Isa pa! parang hindi ka talaga nasasarapan sa pizza! Action!"

"Teka lang! Nakaubos na ako ng isang buong pizza! Alam mo ba kung ilang calories ang isang slice ng pizza!? 285 calories! Sabihin mo sa akin ngayon? Anong gagawin mo pag tumaba ako? Magagalit lahat ng fans ko sa inyo! Kaya ngayon sinasabi ko na ayoko na! Marami pa akong commercial na dapat ishoot ngayong araw hindi lang to! Lanz tara na!"

"Teka lang po... Ms. Natalie isang take na lang po talaga"  pilit sa akin ng mga staffs

pero tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad

nang....

"Hayaan nyo na sya! Marami namang ibang artista dyan! At mas mabait pa!" sigaw ng direktor

lumingon ako sa direktor at....

"Sa totoo lang hindi naman talaga masarap ang pizza nyo... Dapat nga magpasalamat pa kayo sa akin dahil pinilit kong kumain ng ganyan... Kailangan ko tuloy ngayong pumunta sa doktor at magpacheck up. Sorry direk pinilit ko naman talaga na magmuka akong kumakain ng masarap pero hindi talaga sya masarap... Sa sobrang pangit ng lasa gusto ko tuloy mag throw up... Hay naku! Bye direk! see you soon!"

tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo....

"Hay naku! Itong babaeng ito! Magsisisi sya kapag nawalan sya ng mga fans! Jusko! aatakihin ako sa puso!"

sigaw ng direktor

habang nasa byahe...

"Miss Natalie, bakit mo naman yun sinabi? Sigurado ako bukas nasa headlines nanaman yun" tanung ni France.

Si France ang aking all in 1 manager/p.a

"So... Ano dapat ang ginawa ko?"

"Kinain mo na lang dapat ulit..." 

"Sira ka ba! Masisira ang diet ni Miss Natalie! Palibhasa kasi lalaki ka! Hindi mo alam kung gaano kahalaga sa aming mga babae ang ganitong mga bagay... Di ba Miss Natalie?" tanung ni Meagan

Si Meagan ang aking make-up artist...

"Hay naku! Basta wala akong pakialam sa kanila... Wala ng sunod na schedule di ba? Gusto ko ng umuwi..."

"Oo wala na... Makakapagpahinga ka na..."

the next day...

"Ano nanaman to? Every week ba kailangan may bagong headline para sayo?" tanung ni Mr. Santos 

Si Mr Santos ang vice president ng talent company ko...

"Pinapakain nila ako ng pizza! Tataba ako! Paano pag tumaba ako!? Mawawalan ako ng fans! Mababawasan ang perang dumadating sa inyo!" naiiyamot kong sagot...

bakit kaya hindi nila maintindihan na napakahirap magpapayat?

"Hay naku! Wala akong panahon para makipagtalo... Darating ngayong araw na ito ang anak ni Mr. Verceles"

Si Mr Verceles naman ang ceo...

may anak sya?

sino naman kaya yun?

hay naku!

may dadagdag pa sa mga magsesermon sa akin...

tuwa ko na nga nung sinabi ni Mr. Verceles na baka 5 months syang mawawala pero may ipapalit pala sya...

joke lang... sobrang bait sa akin ni Mr. Verceles 

parang tatay na ang turing ko sa kanya...

at baby daughter ang turing nya sa akin kaya nga kahit na inis na inis na sa akin ang mga staffs dito hindi sila makapagreklamo...

Si Mr. Santos lang ang nakakapagsalita sa akin ng kung anu-ano...

habang naglalakad kami nina France at Meagan...

"Ang balita ko, gwapo daw ang anak ng ceo" -france

"Ano naman kung gwapo?" walang kaalam-alam kong tanung

"Habang wala ang ceo i date mo para hindi ka na ulit pag-initan ni Mr Santos" - meagan

"Asa sya! Ang dami kayang nanliligaw sa akin na mas big time sa kanya... Meron na akong nareject na prinsipe tapos sya anak lang ng ceo hay naku!" pagmamayabang kong sagot...

"Miss Natalie yun na ata ang anak ng ceo... tara lapitan natin" pilit ni meagan

lumapit kami sa lalaking naghihintay sa elevator... 

"Excuse me Sir... Kayo po ba ang anak ng ceo?" tanung ni france

"Ako nga sino kayo?"

"Ah isa akong manager dito... ipapakilala ko lang si Natalie sya ang pinakasikat nating talent dito" pagmamayabang ni france

"Talaga? Pero parang wala namang espesyal sa kanya..."

teka... medyo nainis ako dun ah!

"Hoy! humarap ka nga dito! Sa nakikita ko naman wala ring espe..."

natigilan ako sa sinasabi ko dahil sa nakita ko...

Siya si .....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

the ACTRESS meets her EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon