~~~~~~~~~~'
Abala ang lahat sa pag aayos ng kasal ..
Mapavenue ng reception o sa simbahan man lahat sila abala ..
Samantalang ako , eto nakaupo sa may tapat ng salamin
Kinakabahan ..
Kinakabahan ako sa posibleng mangyari ..
Lalo na yung mga pamahiin na kapag namatay yung kandila ni ganito siya agad unang mamamatay ..
Syempre ako naman si paranoid natatakot na mangyari yun lalo na sa groom ..
~~~~~~~~~~~
SA AKING KWARTO ..
Kasalukuyan akong inaayusan ng isang bakla habang yung isang bakla naman nireretouch na lang ako ..
Plantsa dito , ikot dun , tali dito , hair pin doon tapos sasabayan pa ng brush dito , lipstick dito , at kung ano ano pang ginagawa sa mukha at buhok ko ..
Ganito pala kapag may kasal ..
Sobrang bongga at nagmumukha ka talagang prinsesa ..
At kasabay noon ang iba't – ibang uri ng emosyon ang mararamdaman mo.
Hindi ko nga alam kung ngingiti ako , sisimangot ako o iiyak.
Grabe lang feeling ko sasabog na ako anytime ..
Nang biglang may kumatok sa kwarto namin ..
"ready na po ba siya?"
Tanong ng isang babae na I think isa sa mga organizers.
"oww ! yess mam , magbibihis na lang siya" sabi ni baklang hair stylist ko
"ok hurry up magsisimula na ang kasalan"
At pagkalabas niya ..
Kinuha na ni make-up artist ang susuutin kong gown
Simple lang siya pero masasabi kong elegante at maganda.
Pinasuot na ito sa akin at pagkalabas ko ..
"bongga itech ! ang ganda mo po diyan mam"
"salamat" at nginitian ko siya
Pagkatapos nun inayos nila onti yung gown at inabot na sa akin ang pulang rosas na paborito kong bulaklak ..
This is it ..
Sobrang sasabog na tong puso ko at anytime pwede na siyang lumabas sa rib cage ko.
Grabe ang hirap huminga ..
Parang mag brebreak down ako dito ahh
Nakita ko ang isa sa mga abay at nginitian niya ako ..
Waaaahh ang cute sana ganyan din ang magiging anak namin sobrang cute sarap pangigilan..
Nauna na silang sumakay ng kotse papuntang simbahan ..
Pagkatapos nun sumunod ako sa pangalawang kotse na kulay puti ..
~~~~~~~~
SA KOTSE ..