Pencil

7 0 0
                                    


France's PoV

"Oi!! ibalik mo yan!!" dinig kong sabi nung mga classmates ko.

HI~! ako nga pala si Francel Timoteo. Grade 4 na ko dito sa LHU .

tinignan ko kung anong nangyayari.

Si Danie na naman. binubully si Jerome. nako naman~!!

"hoy!! ibalik mo nga yan!!" sinubukan ko agawin yung pencil ni Jerome kay Danie. 

mahalaga kay Jerome ang bawat bagay na binibigay sa kanya ni Tita Susan. mommy nya.

"Ikaw na naman bubwit?! aba.. lumalaban ka na! ano! ha!" sabi nung isang kaibigan ni Danie.

"OO bakit! ang pangit mo!! bakit nyo kinukuha yang pencil ni Jerome! may mga pencil na naman kayo a!!" sabi ko. hmp! ang pangit nila! kasing pangit ng ugali nila!

"France.. hayaan mo na sila.."sabi ni Jerome na naka upo sa sahig at hawak yung kamay ko para pigilan ako.

"anong hayaan?! kaya ka laging binubully ng mga pangit na 'to e!" humarap ako ulit kila Danie na tumatawa.

"Wala ka pala e! talo ka nitong girlfriend mo! duwag ka kasi!" pangaasar nila kay Jerome.

Aba't--!! 

hindi na ko nakapag pigil at sinapak ko na sa bagang si Danie. lokong 'to!!

"Aray!!" bumagsak sa sahig si Danie habang yung mga kaibigan nya nila pitan sya para tulungan pero tinampal lang nya ang mga kamay nito at tumayo para sugurin ako. 

"Ikaw bubwit ka!!" susuntukin na nya sana ako pero..

"France!!" hinarang ni Jerome yung sarili nya kaya sya yung nasuntok.

agad akong tumakbo para alalayan patayo si Jerome. dun kami naabutan ni teacher.

dumudugo yung labi nya..

"J-Jerome..?" inalalayan ko syang umupo sa upuan nya. pero as soon as naka upo sya dinaluhan na sya ng mga classmate at teacher namin..

nakatingin lang ako sa kanya.. mula sa upuan ko. mula nun hindi na nya ko pinansin.


~KINABUKASAN~

"JEROME sandali!!" habol ko sa kanya..

huminto naman sya laya huminto rin ako sa pag takbo.

"I'm sorry ..." yun lang yung nasabi ko. hindi ko alam kung anong kasalanan ko pero...

"Hayaan mo na lang ako.."

yun lang at nag tuloy na syang mag lakad.

****

Hindi pumasok ng araw na yun si Jerome. sila Danie naman na suspinde. 

habang nag kaklase naka tingin lang ako sa bintana.

nakita ko si Jerome. kasama si Tita Susan . kausap yung advicer at principal namin. 

napansin kong may inabot yung advicer namin bago umalis sila tita Susan..

'ano kaya yun..?'

pag tapos ng klase agad akong pumunta sa bahay nila tita para ibigay yung lapis.

pero ng kumatok at pumasok ako sa kanila... katahimikan ang bumugad sakin... 

lahat ng furnitures may takip na puting tela.. wala na rin ang mga maids nila tita.

muli akong lumabas at ngayon ko lang napansin na may nakalagay na papel sa mail box.

nanginginig ang kamay na kinuha ko ito.. hinihiling na sana.. hindi totoo ang iniisip ko...

tumakbo ako papuntang bahay at dumeretso sa kwarto ko dala ang papel na nakita ko kanina sa mail box.

sinara ko ang pinto at inayos ang gamit ko tsaka ko binasa yung sulat..

"France,
siguro kung nababasa mo ito ngayon ay nakaalis na ko.. hindi ko agad nasabi at naibigay ang sulat nung nasa school tayo dahil hinablot sakin ni Danie yung pencil.. sorry sa nangyari kahapon.. nadamay ka pa tuloy sa gulo. buti na lang at hindi ka nasaktan.. Sa mga oras na 'to papunta na kong Canada. dun daw muna kami ni mom kasama si Dad... France. pangako.. babalik ako .. wag mo nga pa lang iwawala yung pencil ko a.. alagaan mo yan at gusto ko pag balik ko na sayo pa rin yan. I'll be back.. Promise

                                                                                                                                       Your Friend,Jerome"


at dun na tumulo ang mga luha ko at napatingin ako sa lapis na nasa aking kama..


'hihintayin kita'...ang aking sambit sa aking sarili..

To be Continue....

------------------------------------------------------------>Next:Pencil(6 years later)<

Hi~ ^^ hindi ko alam kung one shot collection ba 'to o gagawin kong short story.. hahaha .. follow me. comment your suggestions and vote if you like the story ^^'

--Alice

One-Shots & Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon