Unforgettable after all (One-shot)

72 1 3
                                    

"Isasayaw kaya ako ng crush ko?"

"May damit ka na ba para sa Prom?"

"Anong color ng sapatos mo?"

"Saan ka magpapaayos?"

"Magpapakulot ka?"

"Nakakaexcite talaga ang Prom!"

Typical questions na maririnig mo before Prom. Di ko maintindihan kung bakit nae-excite ang mga tao, lalo na ang mga kababaihan, sa Prom na yan.

Girls in fancy dresses and guys in their tuxes. Hotels or gyms decorated with streamers,  balloons or kahit ano. Hanapan ng dates doon, sayawan diyan, sayawan dito. Kainan diyan, kwentuhan dito. A night you'll never forget ika nga ng iba.

But what makes it so special? Di naman puro kilig ang nararamdaman mo dyan sa Prom na yan eh? 

Meron ding sakit na mararamdaman. 

Sakit galing sa heels na suot mo.

Sakit sa bulsa.

Sakit kapag nakikita ang gusto mong may kasayaw na iba.

Sakit kapag walang nagyaya sayo na sumayaw.

Oo, I speak from experience and no, I'm  not bitter. Di ko lang makita kung bakit napakaspecial niya.

_________________________________________________

Days passed and eto na ang inaantay ng lahat.

PROM.

Kung hindi lang 'to compulsory, di naman talaga ako a-attend. 

Kung hindi lang dahil sa mga kaibigan ko, di naman talaga ako sasama.

Kaso, ang sabi nila, i-enjoy ko nalang raw ito. Last na rin daw kasi. Gra-graduate na kasi. 

_____________________________________________________

Last dance na. 

Isa-isang inimbitahan ng mga lalaki ang aking mga kaibigan. Kaya umupo nalang ako sa table namin. 

Alam ko naman kasing walang magtatanong sakin. Sino ba naman kasing magtatanong sa isang tahimik na babae? Yung tipong invisible ako sa paningin ng iba except sa mga kaibigan ko.

Naiwan akong nakaupo sa table namin, nag-iisa. Lost in my thoughts. 

Nagising lang ako sa katotohanan nung may nag salita.

Nakita ko. Ang lalaking bumihag sa puso ko. Si Liam.

Ang lalaking minamahal ko pero may mahal na iba.

Ang lalaking minamahal kong patago.

Ang lalaking patago akong sinasaktan.

Ang lalaking iyon ang nag sasalita sa harap ng mga tao, ng mga Juniors, Seniors, teachers at sa principal namin.

"Good evening, ladies and gentlemen. Gusto ko sanang kumuha ng ilang minutes para masabi ko tong nasa loob ko. I've been waiting for the right time to say these and now seems to be the right time."  matapos niyang sabihin iyon, ngumiti siya na para bang hindi siya kinakabahan sa mga ginagawa niya. 

"There's this girl. Well, hindi lang siya ang ordinary girl na makikilala mo. I've never ever, ever felt this way about anyone before." 

And that line crushed my heart. Alam ko na sino ang tinutukoy niya.

Si Jane. Ang babaeng palaging pine-pair up sakanya.  Ang pinakamaganda at oh -so-popular na babae sa school.

TIningnan ko ang babaeng iyon pero nakakapagtaka, nakasmile siya sa akin.

"I can't stop thinking about this girl. She made my life colorful. Hindi naman talaga ako isang cheesy type na guy. Actually, nagpatulong pa nga ako kay Jane para dito." and laughed.

"Hindi ko na to papahabain pa. Alam kong sabik na kayong sumayaw at magsaya. Kaya eto na..." umalis siya sa kinatatayuan niya hawak-hawak ang mic at  para bang may hinahanap.

Nakita ko siyang tumingin sa way ko at lumakad papalapit sa table namin. 

Tumingin ako sa likod ko.

Wala namang tao.  Lahat sila ay nasa dance floor.

Biglang tumigil si Liam sa harap ko.

Tiningnan ko siya.

Ngumit siya sa akin. 

"Tracy Lee, whenever I see you, my troubles seems to melt away."

"Matagal ko na gustong umamin sa'yo kaso natotorpe ako."

"Pero ngayon, sasabihin ko na ngayon, mahal kita and can I have this dance?"

Natulala ako at di ko maprocess ang mga sinasabi niya. Pakiramdam kong nanaginip ako. 

Iniabot niya kamay niya.

Aware rin ako sa mga taong nakatingin sa amin. Di ko inaakalang ganito ang nangyayari.

Di na ako nakapagsalita. Kinuha ko kamay ni Liam at nag sigawan ang lahat at nagsimula ulit ang party. 

Bigla nalang naging A Thousand Years and tugtog. Sumayaw kami ng sobrang bagal at malapit sa isa't isa.

"Alam mo bang matagal na kitang pinagmamasadan?" tanong ni Liam sa akin.

"Para kang stalker sa sinabi mo" sabi ko naman at ngumiti.

Tumawa naman siya at sabay sabing "Ngumiti ka palagi ah, you'll never know who falls in love with that smile."

"Ba't ako?" tanong ko.

"Anong ba't ikaw? Nasubukan mo na bang bilangin ang mga bituin?"

"Oo pero syempre imposible yun gawin. Ikaw ah, chini-change mo ang topic."

"Ganun din ang page-explain sayo kung bat kita mahal."  sabi niya. "Salamat ah?" dagdag niya.

"Salamat saan?"

"Salamat sa saya na dala mo sa buhay ko."

"Ikaw talaga."

Natapos na rin ang sayawan. 

Akalain mong Prom Queen ako? Nakakatawa ngang isipin eh.

Umuwi ako na may ngiti sa labi at napaisip, Prom is unforgettable after all.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unforgettable after all (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon