-1-

5 0 0
                                    


"Mahal din kita" tila tumigil ang mundo niya ng mabasa ang mensaheng kararating lamang.

Lumipad ang kanyang isipan sa nangyari kanina.

***

"JAKE!" tawag niya sa bestfriend niyang kumaripas ng takbo.

"JAKE! SANDALI LANG NAMAN!" kasabay ng paghabol niya dito ang mga luhang nag-uunahang lumabas sa kanyang mga mata.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon narinig kasi ng bestfriend niya -- kung siya nga lang-- ang usapan nila ng makulit niyang manliligaw. Pinipilit kasi nitong sagutin na siya sa tatlong buwan niyang panunuyo. Tila naman nagdilim ang paninigin niya. Sinusumbat kasi nito lahat ng mga effort na ginawa niya sa mga nagdaang buwan.

"Ang sabihin mo lang Anj mahal mo kasi ang bestfriend mo! Ginamit mo lang naman ako e! Kaya ka nagpaligaw diba?!" galit na usal sa kanya ni Ramon.


Happy April first, Anj.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon