Tropa Forever

126 1 0
                                    

11:00PM
Nasa labas ng bahay si Cardo at kasalukuyang binubuksan ang pintuan. Kagagaling niyang ihatid ang bagong girlfriend na si Grace sa bahay nito. Nang sa wakas ay nabuksan na niya ang pinto at makapasok, kinakapa niya ang kinalalagyan ng switch ng ilaw, pero bago pa niya ito mahanap ay bumukas ang lamp at naaninag niya si Onyok.
"San ka na naman nanggaling kuya Cardo?" Tanong nito sa kanya ng nakasalikop pa ang mga braso.
Natawa si Cardo at ginulo ang buhok ng bata. "Sa tabi-tabi lang po, Major." Major ang tawag niya dito dahil parang pulis itong si Onyok sa imbestigasyon. Napakabata nito pero para bang matanda na ito kung kumilos at magsalita.
"Lagi nalang ganyan. Naku." Nakakunot-noong komento ng bata.
"Ssssh! Wag kang maingay, 'Nyok! Baka magising si Lola." Saway ni Cardo kay Onyok. "Halika na. Matulog na tayo." At binuhat niya ang bata habang papunta sila ng kwarto.
Matutulog na sana sila ng bigla na namang magsalita si Onyok.
"Kuya Cardo, saan ka ba kasi talaga nanggaling?"
Napabuntong-hininga si Cardo. Likas talagang napakakulit ng batang ito. "Hay naku, 'Nyok. Matulog ka na." At kunwaring pumikit siya.
"Kuya.... kuya..." Hindi pa nakuntento ito at pinagyuyugyog pa siya.
Napilitan siyang magmulat at pansinin ang bata.
"San ka ba talaga nanggaling kuya?"
Hindi talaga binibitawan ng bata ang tanong.
"Kina ate Glen. Dun sa bahay nila." Pagsisinungaling ni Cardo. Dahil yun lang ang naiisip nyang dahilan na pwedeng sabihin para matahimik na ang bata.
Nagningning ang mga mata nito. "Bat di mo ko sinama, kuya? Pag pumupunta ka kina ate Glen lagi mo kong di sinasama. Siguro nahihiya ka sakin kuya kasi nililigawan mo si ate Glen no?" Tudyo sa kanya ng bata.
Natawa ng malakas si Cardo sa sinabi ni Onyok. Napakalikot talaga magisip ng bata. Naisipan nyang sakyan ang sinabi ng bata.
"Sabagay. Maganda naman si ate Glen mo no?"
Napaupo ito mula sa pagkakahiga at masiglang sumang-ayon.
"Oo naman, kuya Cardo! Maganda si ate Glen! Kahit di sya nagsusuot ng short kagaya ni ate Michelle. At di sya naglalagay ng lipistik kagaya ni ate Grace, maganda si ate Glen! Tapos kuya, ang bait-bait nya pa. Lagi syang may dalang pasalubong sa min ni Lola pag dumadalaw sya dito! Tapos di ba, lagi ka pa nya pinanggagawa ng asayements mo?"
Natatawa nalang si Cardo habang pinakikinggan ang sinasabi ni Onyok. "Oo
. The best talaga si ate Glen mo."
"Tapos, kuya.. gusto siya ni Lola." Dagdag pa ni Onyok. "Sabi niya nung minsan maganda daw kung ikaw ang makakatuluyan ni ate Glen. Para siya nalang magiging nanay ko. Gusto ko yun, kuya Cardo!"
Pumikit na lamang si Cardo at nagkunwaring nakatulog na para maiwasan ang mga baka itanong ni Onyok. Huminto naman ito at naramdaman niyang humiga na ito at sumiksik sa kanyang tagiliran. Nang mga ilang minuto ay dumilat siya at sinilip ito. Tulog na sa wakas ang makulit na bata. Iniunan nya ang mga braso sa ulo. Hindi nya talaga kayang isipin na magiging sila ni Glen. Magbestfriend sila e. Simula lumipat sya sa bahay ng kanyang lola ng mamatay ang kanyang mga magulang, kaibigan na nya si Glen. Si Glen ang isa sa mga dahilan kung bakit kahit papaano ay napawi ang kalungkutan at napabilis ang pagtanggap nya sa katotohanan na wala na ang kanyang mga magulang dahil sa cat accident. Solid sila ni Glen. Hindi mapaghihiwalay. Si Glen lang ang natatanging babae na nakasama niya ng matagal na panahon. Lahat ng mga nagiging girlfriends nya ay hindi lahat nagtatagal. Madali kasi siyang magsawa. Pero si Glen? Hinding-hindi siya magsasawa. Sadyang hindi lang matalik na kaibigan kasi ang turingan nila sa isa't isa. Magkapatid na. At si Glen ang nakatatanda niyang kapatid. Araw-araw siyang pinagsasabihan nito na parang tunay na ate. Sa kanyang pambabae, sa hindi nya pagpasok sa Philippine Literature, sa lahat ng bagay! Minsan nga daig pa nito ang lola nya kung pagalitan siya. Pero nasanay na siya dito. Noon palang ay ganoon na ito. Napaisip siya sa sinabi ni Onyok. Maganda naman talaga si Glen. Masyado lang talaga itong bruskong kumilos pati manamit. Simple pa ito sa simple. Malayo sa mga tipo nyang babae na mga agaw-pansin ang ganda. Pero ganunpaman, iba si Glen sa kanila. Hindi nya maipaliwanag, basta kakaiba. Kinuha niya ang kanyang cellphone at may hinanap na partikular na litrato sa kanyang Phone Gallery. Stolen shot ito ni Glen habang nagbabasa. Lagi tuwing titignan nya ang litratong ito ay natatawa siya. Nakakunot kasi ang noo nito na tila ba inaaway ng librong kaharap nito. Ganun lagi ang hitsura ni Glen. Mukhang aburido. Kaya lagi nyang inaasar ito. Ito rin ang dahilan kung bakit NBSB ang kaibigan. Masyadong intimidating ang dating nito sa mga lalaki. Kaya natatakot ang mga ito na kausapin man lang sya. Hindi lang nung highschool, pati sa mga kaklase niya ngayong kolehiyo sa ComSci ay may iilan na ibig magpakita ng interes sa kaibigan pero umuurong dahil nga agad pinapakitaan ang mga ito ni Glen ng kawalan ng interes. Mailap talaga ito sa mga lalaki. Noon pa man. Sa kung papanong si Glen lang ang nagiisang babaeng kaibigan nya, ganun din si Glen. Siya lang ang nagiisang lalaking immuned sa pagiging amazona nito dahil matagal na silang magkakilala. At nasanay na siya sa ugali nito, at ito sa ugali nya. Kaya nga mahal na mahal nya si Glen at talagang protective siya dito. Gusto nya lahat ng makakabuti kay Glen. After all, she deserves all the best things in the world for being his bestfriend.

Feel free to comment.
Happy reading. :)

Di Nya Kasi AlamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon