Chapter 22
"S-Shit.." Miriin na mura ko pagkatapos akong ihagis sa sahig nung hayup na ng nagdala sa'kin dito sa abandonadong classroom na 'to. "S-Sino ka? Bakit mo ko dinala dito? Di mo ba alam na bawal pumasok dito ang mga estudyante?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya habang pinagpagan ang siko ko na puno ng gabok dahil sa pagkakapatak ko.
Dahan-dahang humarap sya sa'kin pagkalock nya ng pinto. Di ko man siya makita ng ayos pero alam kong lalaki siya at di hamak na mas matangkad sa akin. Medyo pamilyar din ang bulto ng katawan nya at parang nakita ko na ng ilang beses.
Sinubukan kong aninagin ang mukha nya pero sobra talagang madalim sa classroom na ito. May takip kasing mga dyaryo ang bintana dito dahil kasalukuyan itong inaayos para magamit na ulit kapag may klase.
"I-Ikaw ba 'yung nagpapadala ng sulat s-sa'kin?" Nag-aalinlangan na tanong ko.
Hindi sya sumagot.
Lalapitan ko na sana sya kung hindi lang sya naunanh humakbang papalit sa akin. Dahan-dahan lang ang bawat paghakbang nya habang ako naman ay hinihintay na tumama ang mukha nya sa liwanag na nagmumula sa butas ng dyaryo.
"A-Anong kailangan mo sa akin? Bakit mo ko ginugulo?" Matapang na sabi ko kahit na puno ng takot ang dibdib ko.
"You don't know the reason?"
Nagulat ako nang marinig ko ang boses nya. Mahina lang iyon pero sigurado akong narinig ko na iyon ng ilang beses. At hindi ako pedeng magkamali...
"Ricky?" Mahinang sambit ko nang makilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na nagsalita. Kasabay niyon ang pagtama ng mukha nya sa liwanag.
Ramdam ko ang pangungulo ng kalamnan ko nang makita syang nakaismid ngunit walang emosyon na nakatingin sa akin.
"Yes, it's me." Sabi nya. "At ang Richelle na pinag-uusapan nyo kanina ay nakababatang kapatid ko. She's Richelle Sandoval and I ask her to copy Dark Eroll Archangel's handwriting. Para sirain ang pagkakaibigan nyong dalawa."
Napatanga ako sa sinabi nya pero agad din ako natauhan at binigyan sya ng nakamamatay na tingin.
So it's him afterall. I'm feel so stupid for believing him. Dark has nothing to do with any of this. Set-up lang ang lahat.
"Why?" Galit na sabi ko.
Mabilis akong lumapit sa kanya para sana bigyan sya ng solid na suntok pero mabilis nyang nahawakan ang kamay ko. Marahas na hinila nya ako at sinandal sa isang pader. Iniharang pa nya ang braso nya sa leeg ko dahilan para mahirap akong huminga.
Sinubukan kong alis ang braso nya pero di ako maibigay ang buong lakas ko dahil sa kakulangan sa hangin.
"Because I hate you, Carlo." Galit na galit na sabi nya. Nagkakawag naman ako dahil sa kakapusan sa hangin. "It's your fault that I'm all weird right now. It's your fault that I can never be normal again. Kahit anong gawin ko ikaw lang ang nakikita ko. Ikaw lang ang may kakayahang magpabilis ng tibok ng puso ko. Sa'yo lang ako nagkakaganito pero hindi mo man lang ako mapansin. I hate how insentive you are." Sunod-sunod na sabi nya at inalis ang braso nya sa leeg ko.
Napaupo naman ako sa sahig habang umuubo at hinahabol ang paghinga ko. Hingal na hingal din naman sya dahil siguro sa haba ng sinabi nya.
Naramdaman ko ang paglapit nya sa akin at ang pag-upo nya sa harapan ko. Binigyan ko sya ng nakamamatay na tingin dahilan para lapatan nya ng sampal ang pisngi ko.
Nagulat at natulala ako sa ginawa nya.
Umiging ang pandinig ko dahil sa lakas ng sampal nya. Sunod-sunod din ang pagtulo ng luha ko dahil sa pinagsamang init at hapdi na nararamdaman ko sa pisngi ko. Nanginig ang buong katawan ko sa takot at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)
RomanceWe're bestfriend and I'm his possession...