C-17 [ The Witch Queen Comeback! ]

9 0 0
                                    

 Nasa classroom ako nung biglang may pinagkakaguluhan sa labas.

Hindi ko na kailangan pang tingnan dahil halos normal na iyan dito.Nakikita ko lang sila sa glass wall ng classroom namin na nagsisitakbuhan para makita ang kinababaliwan nila papunta sa ground floor.Oo ground floor pero rinig na rinig sa buong Campus.I know its just those hearthrob boys,so I guess I just got used to it because its all the same everyday.Bwisit lang!

Annoyance! Their screeching is really irritating me! I wish they'll have a goiter....

Masama man ang wish ko pero naririndi talaga ako pag ganito bungad sa pang-araw-araw ko.   

Humiga ako sa desk ko ng biglang nagbell.Lahat ng kaklase ko ay nagsisitakbuhan pabalik.Mga childish nagawa pang maghabulan sa classroom. Mukha silang ewan-nagmukhang mga bata na kahit sawayin mo ay hindi susunod.May iba nagtatapunan ng papel sa isa't-isa,iyong iba naman nagsasayawan sa gilid,naglalaro at itong nasa unahan ko ay nagtsismisan.Tsk! Panira ng mood ang mga ito.

"Alam mo bang bumalik na daw dito si Tyra?"

"Oo nga eh.Nabalitaan ko din iyan kanina.Nandito pa nga daw siya para mag-enroll"

"Oo tama ka. Kaya lang hindi na daw siya tulad ng dati"

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Iba na daw ang ugali niya.Alam mo 'yung taong nagturn to beast? Ganon na daw siya ngayon"

"Ibig mong sabihin sobrang sama niya?"

"Hi-"

Nang dumating ang next teacher saka naman sila natigilan.Lahat nagsibalikan sa kani-kanilang upuan.

"Good Morning class!"bati ng teacher na nasa harapan.

"Good Morning Mrs.Dela Cruz!"bati ng lahat habang nakatayo.

"Okay.You may sit down now.I have an important news to tell"

Lahat kami ay nagsiupo pagkatapos bumati sa kaniya.

"Everyone! you know Miss Tyra right? Only daughter of Mr.Acosta owner of Le Bellama Hotel,Tearshield Waterpark,Acosta's Hospital and AOA companny!?"

"Yes!"sagot ng mga kaklase ko.

"Good.She will be your schoolmates now"Schoolmate lang pala bakit dito pa!"Be nice to her Okay?!"

Haisst! Ano ba namang klaseng teacher ito.Pumunta lang dito para i-endorse at ipakilala ang yaman ng binabanggit niya.Tsk!

Kahit sabihin niya pa iyan di ko rin naman kilala yan.Tsk! Pakialam ko ba.

Umalis ulit ang teacher namin.Hindi ko alam ko kung saan nagpunta.Kaya ang kinalabasan nagsibalikan ulit sa ginagawa nila ang mga kaklase ko.

Hay naku..Asan na ba ang kapayapaan ko ngayon.




Dahil uwian na nag-antay ako kay Manong Ted sa gate ng School.

"Hey you!"

Napalingon ako sa nagsalita.Pssh!  What an irritating girl.

She rolled her eyes.

Geez! Tusukin ko mata mo eh.Bumalik ulit ako sa pagmumuni-muni ko ng bigla ulit siyang nagsalita 'yong salitang matinis na nakababasag ng tenga.

"Are you deaf?! Tinatawag kita kaya matuto kang sumunod!"

She's crazy.Nakawala ata sa mental hospital ito.

Hindi ko na siya tiningnan pa.

Nang walang ano-ano ay bigla niyang hinigit ang bag ko sa likod at tinapon.Malapit ko na sanang masuntok ng mapag-alaman kong may cctv pala.Pasalamat siya.. 😑


*Beep*Beep*


Bago pa siya umalis papunta sa kotseng nakaparada sa labas ay may sinabi siyang"Remember me.We will see each other again tomorrow.Ayokong makakita ng stupid na katulad mo!"then she rolled her eyes again.

Pesteng yawa.Magulo ang araw na ito.

Tama ngang galing mental iyon.

We will see each again tomorrow pero ayaw niya daw makakita ng estupida?

Tch! She's the one who's stupid.


-----


Kumukulo talaga ang dugo ko dun sa babae kanina masyadong bossy.Akala mo kung sino.Magulpi ko na sana yung mukha niya...buti na lang mahaba pa ang pasensya ko sa tulad niya.

  .__.

Nasa terrace ako ng makita kong dumating si Max na may dalang cake sa kabilang kamay.

Hmm..

Sinong may birthday?

Sa pagmumuni-muni ko.Natandaan kong ngayon pala ang kaarawan niya.

The hell.Bakit ngayon ko lang natandaan 'yun.

Tumakbo ako ng mabilis paalis ng terrace hanggang pababa ng hagdan at buti na lang naabutan ko siya sa may sofa na naka-upo.

Hmmmm........pagod ata ito....

Lumapit ako sa kanya sa may likod ng hindi niya napapansin at minasahe ang ulo at balikat niya.

"Oh-"gulat niya saka tumalikod para tingnan ako."Akala ko kung sino"

"Hey,Happy Birthday"bulong ko.

"Thank you~"sabi niya sabay ngiti."By the way, where's my gift?"sabi niya habang nakalahad pa ang kamay.

Haisst! Bakit ngayon ko lang kasi natandaan 'yon.Tsk! wala akong regalo kaya-

Minasahe ko si Max ng twenty seconds saka tumigil.Bahala sapat na iyan.

"That's my gift"

"What-"nawala ang ngiti niya saka binaba na niya 'yong kamay niyang nakalahad"You mean massaging my back is your gift?"sabi niya sa slang niyang accent.

Buti naman nahulaan niya.

"Yeah.Tanggapin mo na ngayon lang ito"

Pasensya talaga wala akong maisip na regalo at huli na rin ako.

"Of course naman , this is the special gift I have recieved so far"ngumiti ulit siya"Oh! here's the cake....I bought your favorite flavor"sabi niya sabay abot sa akin ng cake.Inabot ko naman ito saka hinila siya patayo papuntang kusina.Binuksan ko ang cake at tinusok dun 'yong kandilang nasa cover na nakaplastic tape kanina saka sinindihan.

Kumanta ako ng Birthday song pagkatapos kahit wala ako sa mood.

._.

Seriously I've never done this before.

Pumalakpak at ngumiti ng malapad si Max.

"Thank you again.This made my night"saka bli-now niya 'yong kandila."I will keep this treasure"......wew..."It's already late bakit hindi ka pa pala natutulog?"

"Wala lang.'Di pa ako inaantok"

"May pasok ka pa naman ng maaga"

"Ako na bahala'

"Okay you said it kaya wala na akong magagawa pa"

Pagkatapos no'n nagkekwentuhan na lang kami habang kumakain ng cake.Yeah ganito kami magcelebrate ng birthday niya medyo nag-uupdate na nga lang ngayon hindi tulad ng dati.Ganito din kapayapa ang buhay namin-sobrang tahimik....

Tulog na kasi ang mga katulong niya.





OUR BRAVE PROTECTORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon