Chap 1: Ang hirap nga naman

602 24 6
                                    


"Ano ba naman to, nakakasakit naman tumingin sa twitter." Sabi ni Kim na pansamantalang nang-stalk sa twitter ng kanyang ex na si Mela.

"E kasi naman Kimmy, bat ka pa tingin ng tingin sa twitter niya? I-nunfollow mo na nga siya pero ayan ka pa rin, nang-stalk pa rin ng account niya." Sagot naman ng bestfriend ni Kim na si Cyd.

Nakatambay ang dalawa sa dorm pagkatapos ng training. Nakahiga sa kama ni Kim, habang kinakalikot ang kanilang mga cellphone.

"Alam mo na yan Cyd.... Kahit ba gusto ko na talagang mag move-on ang hirap pa rin." Sagot ni Kim, sabay sara ng twitter app niya.

"Ikaw naman kasi eh. Puro salita pero kulang sa gawa..." Sagot ni Cyd sabay tingin kay Kim. "Sana kasi pansinin mo na lang ang nasa tabi mo kesa lahat ng atensyon mo nasa kanya pa rin... " pabulong na dagdag ni Cyd.

"Ansabi mo?" sabi ni Kim, na napatingin kay Cyd habang nakikipag chat sa facebook app naman.

"Wala... sabi ko kain tayo... libre mo ko auntie anne's plz!" sabi ni Cyd habang nakangiti.

"Anong libre?? Kkb ah!" sagot ni Kim habang tumatayo. "Tara! Nagutom na rin tuloy ako!"

Gumalaw na si Kim palabas ng kanilang dorm room.

"Sige sunod ako! Palit lang ako ng top." Sagot ni Cyd habang malungkot na nakatitig sa palayong si Kim. "Haay... lagi naman ganito eh... ako na lang ang lagging sumusunod... oks lang... Masaya naman ako basta nasa tabi mo ako." Malungkot na naisip ni Cyd. "Hindi ko na alam kung ano bang mas mahirap... ang magpigil na mahulog sa isang Kim Fajardo... o mahalin ka ng tuluyan... "


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon