Love, I miss you.

177 2 10
                                    

Another RANDOM thought.


Miss ko na yung dating tayo.


Yung umiiyak ako dahil masaya ako, hindi yung nasasaktan ako dahil sayo.

Yung magkatext tayo kahit gaano katagal at nag-uusap ng kung anu- anong topic, hindi yung maghihitay nalang ako kung kailan gusto mo na kong katext at di ka na busy sa ginagawa mo.

Yung kahit nakaupo lang tayo sa isang tabi pero nagkukulitan, nagtititigan at naglalambingan, hindi yung nakaupo tayong dalawa at nakatitig ako sayo dahil hinihintay kong ako naman yung pansinin mo kaysa sa mga laro at palabas sa cellphone mo.


Mababalik pa kaya natin yun? Mababalik pa ba yung tamis na meron tayo noon? Oo miss ko na yung dating tayo.


Na kapag may sinabi ako sayo ay sinusunod mo, hindi yung binabalewala mo na lahat ng sasabihin ko at pagkatapos ay magsosorry ka nalang para mapagaan ang loob ko.

Na kapag sinabi kong hindi ako pwede lumabas ng bahay ay maiintindihan mo ko, hindi yung hindi mo na ko papansin at isusumbat mo sakin na lagi nalang akong may rason para hindi kita makasama.

Na kapag magka- away tayo susuyuin mo ko at hindi titigilan hanggang sa maging okay tayong dalawa, hindi yung tutulugan mo nalang ako at umaasang baka bukas okay na tayong dalawa.


Umiiyak nanaman ako pero hindi dahil masaya ako. Umiiyak ako kasi pakiramdam ko nagbago ka na sakin. Ganun ba talaga kapag matagal na? Parang chewing gum na nawawalan ng lasa? Parang battery na nawawalan ng gana? Parang ballpen na nawawalan ng inta? At parang lapis na nawawalan ng tasa?

Sabihin mo lang sakin kung anong gusto mo, kung anong kailangan kong gawin mabalik ko lang yung dating tayo dahil miss na miss ko na yung dating tayo. Miss na miss na kita dahil ang dami ng nagbago.

Alam ko walang permanente sa mundo dahil kahit ang lobo ay kusang nawawalan ng hangin, ang mga mata natin ay nawawalan ng paningin pero di ba lahat naman ay pwedeng ayusin?


Kung noon ay nagawa mo kong ipaglaban sa mga magulang ko, ngayon ipaglaban mo naman ako sa panlalamig na nararamdaman mo.

Kung noon nagawa mo kong pasiyahin kahit na umiiyak ako, ngayon punasan mong muli ang mga luha ko at at magsabi ng mga corny jokes na nagmula mismo sayo.

Kung noon nangarap tayo na magiging matibay at matatag ang ating relasyon, ngayon panindigan natin iyong at magkaroon tayo lagi ng maayos na komunikasyon.


Siguro nga kapag matagal na nawawalan na ng sparks. Pero kahit ganun hindi kita ipagpapalit dahil kapag napundi ang isang headlight ng sasakyan, inaayos ito at hindi pinapalitan ang buong sasakyan. Kapag natanggal ang ibang letra sa keyboard ng computer, inaayos ito at hindi pinapalitan ang buong computer. Kapag nasira ang battery ng cellphone, pinapalitan ang battery at hindi ang cellphone.

Ganun kita kamahal. ganun ko kagustong manatili sa piling mo. Hindi ako tanga, mahal lang talaga kita at alam kong worth it ka at hindi ako magsisisi na ikaw ang pinili ko.

Alam kong di ka nawala sakin dahil bago tayo umabot dito ay marami na tayong pinagdaanan na mas malala pa dito.


Miss ko na yung dating tayo pero hindi ko sinabing nawala ka sakin at mawawala ako sayo.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss Ko Na Yung Dating TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon