one

50 3 0
                                    

Mabubuhay, mamatay, mabubuhay, mamatay, mabubuhay, mamatay, mabubuhay!

Mabubuhay!

Sa papaanong paraan?

Habang nakahiga sa kwarto at hindi makatulog at nagmuni muni nalang.

Halos kalahati na ng taon kong iniisip kung paano mabubuhay.

Mabuti pa yung mga taong nakatira sa squatter alam nila kung para saan, para kanino, at kahit alam nilang masimuot ang pamamaraan ng buhay nila willing parin sila mabuhay na may ngiti sa labi.

E’ ako hindi ko alam kung para saan, para kanino, at kung sa papaanong paraan ko gustong mabuhay.

Go with the flow.

Naiiwan nako.

Walang nagbabago.

Hindi ko tinutulungan sarili ko.

Nagmumukmok. Nalulungkot. Umiiyak. Nasasaktan. Naghahanap ng raramay. Walang nakakaintindi. Nag iisa. Naguguluhan. Nawawala.

Normal ba yun?

Nahihirapan nakong mag-isip sa kung papaanong paraan ko bibigyan buhay ang buhay ko.

Nagmumuka nakong matigas na ulong anak sa mata ng mga magulang ko. Dahil kahit sakanila hindi ko alam kung papaano ko sasabihin ang nangyayari sakin.

Magiging mahabang paliwanagan at hindi ko rin maiintindihan dahil hindi ko iintindihin.

Ayoko silang mag alala, pero nag aalala na sila.

Love can build me, but also destroy me and broke in to two.

Maybe Love is the answer?

"H3LP M3" (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon