5 Reasons Why
(C)She.girlwiththeredshoes
Umakyat ako sa 5th floor ng apartment. Nakatayo sa dulo ng rooftop, sa pagitan ng kamatayan at patuloy na pagkabuhay.
Wala na akong naiisip na rason para magpatuloy pa. Wala na si Mama, wala na si Papa, si Ella at pati si Steven. Iniwan nila kami, iniwan nila ako.
Pinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ko ang ihip ng hangin. Takot ako sa matataas na lugar pero may mga bagay na nagtulak sa akin para gawin toh.
Wala na akong mapupuntahan, walang masasandalan.
“Mira, aalis muna kami ng mama mo kasama ang kambal para mag grocery. Gusto mo bang sumama?” tanong ni papa sa akin.
“Dito na lang po ako Pa. tatapusin ko tong surprise ko para sa inyo! I’m sure pagkauwi niyo dito tapos na toh. Teka, si baby Kael dadalhin niyo ba?” Sabi ko na may malaking ngiti sa mukha ko.
“Hindi namin siya isasama, baka matagalan eh. Oh siya sige. Babalik kami agad para jan.” sabi ni papa at lumapit sa akin para yakapin ako.
“At maligo ka na nga. Ang dungis mo na tingnan may pintura pa sa noo mo.” Sabi ni papa sa akin matapos niya akong yakapin.
“Papa naman eh!” sabi habang tumatawa.
“Oh Daddy, alis na tayo. Naghihintay na ang kambal sa baba. Mira, mag ingat ka, si Manang Selia nasa baba lang nagbabantay kay Kael.” sabi ni mama na dumungaw sa pinto ko.
“Opo mama. Ingat kayo ng kambal. I love you!”
Matapos nilang umalis, masyado na akong naging okupado sa pag pinta ng family portrait namin sa kwarto ko nang biglang,
“Mira! Mira!” narinig kong sigaw ni manang Selia mula sa labas ng kwarto ko na kasunod naman ng malalakas na pagkatok sa pinto.
“Oh manang, bakit parang naiiyak ka jan? Anong problema?” saad ko sa kanya matapos kong buksan ang pinto.
“M-mira, wala na. Wala na sila.”
Sabay-sabay ang naramdaman ko noon. Takot, galit, pangamba, pagtataka, sakit.
Hindi ko mapigilang umiyak muli dahil sa naalala ko.
Pinatay sila. Kilalang opisyal ng gobyerno si Papa pero ni minsan hindi siya nagnakaw o kumupit sa pera ng mga tao. Hindi kami yumaman ng dahil doon. Pero bakit kailangan pa mangyari yun? Pinagbabaril ang sasakyan. Wala, walang natira.
Ako lang.
--------------------------------
prologue pa lang toh :) hope you like my first short novel :))
BINABASA MO ANG
5 Reasons Why.
Short Story|TAGALOG| "wala na akong rason para mabuhay." "Mali ka, Mira. Merong rason. Ipapakita ko sayo. I'll give you 5 reasons why." disclaimer: pure fiction toh guys! yung mga names ginawa ko lang. haha. please don't associate with any real person dead or...