Heartaches! – The very first thing that pops in my mind whenever I hear the word LOVE. Masakit pero masarap. Bakit nga ba ganun? Hindi ba pwedeng happy ending nalang parati? Kailangan ba talagang may masaktan muna? I have friends na lumalapit sa ‘kin, at ang mga naririnig kong linya madalas: “Naiinis ako sa kanya”, “Gago siya”, “Ang sakit! tang ina!”.
Ba’t mayroong mga taong hindi makontento sa kanilang minamahal? Diba dapat pag mahal mo, hindi ka na titingin pa sa iba? Siguro naman hindi siya maghahanap ng iba pag masaya naman siya sa piling mo. Kung sakaling hindi man, diba dapat sinasabi nalang ito ng harapan? Pero ang palaging palusot ay dahil sa ayaw nilang masaktan ang karelasyon nila. Pero p*tang ina! Hindi mo nga magawang saktan ng harapan, patago naman. Hindi ba sila nakokonsensya? May mga puso ba talaga ang mga taong ganun?
Eto namang mga taong bigla nalang eeksena sa isang relationship. Nauubusan na ba ang mga ‘to o sadyang tamad lang hanapin ang para sa kanila? Minsan nakikita mo pa nga parang sila pa ang nauna kung umasta. Akala mo sila pa ang may karapatan. Pero ano sa palagay mo? Masisisi mo ba sila? Nagmahal lang din naman sila ah! Hindi ba dapat ‘yong sisihin sa ganitong sitwasyon ay ang mga taong nagpapakilalang single at walang pananagutan?
May mga nakilala naman akong hindi na raw magmamahal pang muli dahilan na sila’y iniwan. Dapat kasi isipin ng mga taong ‘to ay kung paano nila ipakita sa nang-iwan sa kanila na malaki silang kawalan. Sabi nga ng iba, “pag gusto mo na daw magmahal, dapat matapang ka”. Pag nasaktan ka man? Walang problema! Hindi naman nila kinaganda ‘yon eh. Naiiyak ka? Sige lang. Gusto mong may masuntok? Andyan naman ang bigay niyang stuffed toy eh. Murang-mura ka na? Lakasan mo. Huwag mong itago na nasaktan ka. Hindi naman nababawasan pagkatao mo dun eh. Nagmahal ka lang and it so happen na sa maling tao ka nagtiwala.Huwag kang matakot magmahal muli o di kaya ang masaktan dahil pag hindi ka naging matapang na harapin ito, hindi mo makikilala ang panibagong karakter na papasok sa kwento mo.
Gaano naman kaya kasakit ang nararamdaman ng mga taong tuluyan nang hindi makikita ang minamahal nila? Doble ba? Triple? hindi ba pwedeng sabay nalang para hindi mo maramdaman ang sakit sakaling ikaw ang maiwan sa inyong dalawa? Oo, hiram nga lang ang buhay ng mahal natin. Pero hindi ba pwedeng humirit pa ng dagdag panahon sa warranty nito? Hindi ba pwedeng lifetime na? No return, no exchange nalang din sana.
Ba’t hindi nalang kaya sila gumaya sa mga single diyan? Walang problema. Chill-chill lang. Pero may isa akong kakilala na hindi mapigilang malungkot pag may nakikitang sweet na magkarelasyon. Parati niyang tinatanong kung bakit siya nagsosolo. Marami naman talaga sa atin na single na parating sinasabi na masaya daw sila kahit walang lovelife. Hindi man halata pero nalulungkot din ang mga ‘yon. Magaling lang talaga silang magtago. Tsaka ‘yong talagang para sa ‘yo? Darating ‘yon. Na-traffic lang ng konti o di kaya’y nakaidlip lang pero paparating na ‘yon.
Iba’t-ibang klase mang sakit o emosyon ang mararamdaman mo pag nagmahal ka, isa lang ang ibig sabihin niyan - normal ka. Tao ka lang. At normal lang sa isang tao ang magmahal. Minsan nga hindi na tayo humihingi ng kapalit diba? Ok lang kahit di siya sumagot ng “I love you too” basta ang importante nalaman niya. Para sa bandang huli wala kang pagsisisihan kasi nasabi mo nararamdaman mo. Oras at panahon kung ba’t nabuo ang nararamdaman natin sa isang tao, kaya’t oras din ang magsasabi sa atin na “Oi, tama na, nasasaktan ka na”.
Sa mga taong nasabihan naman ng “I love you”, huwag mong hintayin ‘yong time na may gusto nang magmahal at may nagpapahalaga na sa kanila, dun mo palang na-realize na sana ikaw pa rin kasama niya. Sana ikaw pa rin ‘yong nilalambing niya. Kasama tumawa. Karamay pag may problema ka. Kasi minsan, ‘yong taong hindi mo napapansin nun, hindi mo masasabing mahalaga siya hangga't hindi mo na siya nakikita. Sad but true, pero minsan kailangan pang mawala sa paningin mo ang isang tao makita mo lang ang halaga niya.