HIS Side of Story #6

194 3 9
                                    

Chapter 6

And that was the story how lucky Frina convinced me to be her date.

Imagine? Lahat ng chix sa school, niyaya ako. Pero sa kanya lang ako pumayag. Mali, ako pa nga pala ang nangyaya sa kanya. Oh di ba? Ang ganda niya? :D

Lumipas ang mga araw at nagpatuloy ang practice pero hindi na ako natutuwa. Gabi-gabi na lang masakit ang katawan ko.

Aminado nga kasi ako na hindi ako dancer.

Kaya naman isang araw pagtapos nung practice e kinausap ko na siya.

Pag gabi na rin yun! Uwian na..

"Blue, may sasabihin ako." nauna pa niyang sabi nung lumapit ako.

"Ako rin.." Kailangan nya na talagang malaman ‘to. Hirap na ako e.

"Wag na tayong sumayaw.." sabi niya. Pareho pala kami ng sasabihin. At napatunayan ko nga na hindi siya manhid. May feelings siya. Si Frina? May feelings? WAAAAAAA. TAO SYA! TAO SI FRINA!

"Nahihirapan na kasi ako.." dagdag pa niya.

Pero bakit parang ang lungkot nya masyado?

"Sorry Frina." Sabi ko na lang.

"Ok lang.." sobrang lungkot nya oh.

I can see the disappointment in her eyes. Poor Frina.

"Baka magalit si Tita Eunice." sabi ko.

"Hindi. Ako na bahala." Para siyang binuhusan ng isang tabo ng malamig na tubig.

Hindi na siya nagsalita pa.

"Sorry.." nasabi ko na lang ulit.

"Okay lang yun. Sige.. Alis na ako!" paalam niya saka kinuha ang bag niya.

Nung moment na yun, parang gusto kong sabihin na dun na lang muna kami. Nakonsensiya talaga ako.

Tinawag ko siya, "Frina!”

Lumingon naman, “Bakit?” tanong nya.

“Uuwi ka na ba?" tanong ko.

Tumango siya.

"Sabay na tayo."

At yun. Sabay kaming umuwi. Isang village lang kami remember? Pagkababa sa kanto namin, imbes na sumakay e pinili naming maglakad.

Ang awkward nung gabing yun kasi hindi siya nagsasalita. Parang hindi siya si Frina. Tumigil kami sa paglalakad nung nasa tapat kami ng property nila Ting, yung sinasabi ko noon na kapitbahay namin na crush ni Frina. Isa sa mga pinakaprominenteng pamilya dito sa amin ang pamilya nina Ting, at may-ari rin ng isa sa may pinakamalaking bahay dito sa village. Mayaman sila. Pero wala na sila sa Philippines. Nasa ibang bansa na sila, dun na sila nanirahan mula nung namatay yung Mrs. Yeo. Bale caretaker na lang ang nangangalaga sa mansyon nila dito. Sinasabi ko sa inyo kasi gusto ko :D

Tahimik pa rin kami habang naglalakad. Si Frina nakayuko lang. Ano kayang iniisip nya?!

Mga kuliglig lang ang nagjajamming ng bigla na lang..

"Ayoko na!" sigaw niya. "Hindi ka man lang ba magsasalita?" humarap sya sa akin.

So hinihintay lang pala niya ako?

Ngumiti ako. "Nagtaka nga ako kasi ang tahimik mo."

"Ewan." nagtataray siya pero hindi siya galit! Buti naman :) May gusto ko syang nakikitang nagmamaldita kasi feeling ko nakikita ko yung tunay na sya.

"Ngumingiti ka pa? Umupo ka nga!" galit ata nya na sabi.

 Hala. Ano na naman kayang balak nito?!

"Bakit?" nagtataka kong tugon.

"Basta!" utos nya.

Sumunod naman ako.

 Ano na naman kayang binabalak nya?!

[A/N]

Hellows. Ayown oh! May bagong reader si Blue. Kaya ayan. Dedicated sa kanya ang Chapter na itey. 

-Yeohee

Blue's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon