Chapter 12: May kapilyuhan ang ganti ng nagseselos na Anghel.

183 33 35
                                    

Dose oras ang biyahe mula Malolos hanggang Ilocos at minalas pa si Lourdes na magkatabi sila ni Leo dahil nga huli na silang nakasakay ng bus.


"Uy, ang ganda noon oh! Tanaw na mula rito yung bundok ng Sierra Madre. 'Yan nga ba 'yon? Ang ganda talaga!"


si Leo habang tinuturo kay Lourdes kung gaano kaganda ang anino ng bundok na nadadaanan nila sa biyahe. Nasa tabi ng bintana ang dalaga at nakatutok lang sa tanawin sa labas at hindi kinikibo ang binata sa tabi niya. Maingay pa rin si Leo na kanina pa nagpapansin at nakatitig sa dalaga habang sinasabing..


"Ang ganda.. ang ganda talaga ng tanawin.. sobrang ganda.." (Fading tone)


Habang nakatitig ito kay Lourdes, tinuturo yung mga nadadaanan nila pero sa loob-loob niya, iba yung tinutukoy niyang maganda at sinasamantala niya ang dose oras na biyahe para namnamin ang pagkakataon na nagkatabi sila.


Makalipas ang ilang oras, lupaypay na ang lahat. Halos bumakat na sa upuan ng bus ang mga likod nila dahil sa haba ng biyahe. Si sir Spermatozoa, nakadukdukan na sa likod ng upuan ng driver, masaganang water falls ang laway habang nanaginip ng mga lamang dagat dahil puro ganitong uri lang ng bagay ang iniikutan ng mundo niyang inialay na sa pagtuturo.


Si Lourdes naman ay nakadukdok sa kurtina ng bus at mahimbing na ring nakatulog. Habang si Leo naman ay unti-unti siyang tinatanaw, halos nang masiraan ng bait sa lagkit ng tingin sa dalaga.


Napapanig ang ulo ni Lourdes at napasandig sa balikat ni Leo. Lango pa rin ito sa puyat at 'di alam na nakasandal na pala sa binata. Si Leo naman ay pa-inosenteng unti-unting nilingid ng tingin ang kaliwang panig niya kung saan nakasandig si Lourdes. Kinikilig at tila 'di makapaniwalang nangyayari ang mga gusto niyang mangyari.


Isang pulgada na lang ang layo ng mga labi nila sa isa't-isa. Pulang-pula na si Leo habang tagaktak sa pawis kahit fully air-conditioned ang bus. Hindi niya alam kung paano sasawatahin ang pagnanais ng kanyang mga labing salubingin ang labi ng dalaga.


"Oportunista talaga 'to! Teka nga! Hindi puwedeng tumanga lang ako dito! Gusto mo pala ng halik ah! Heto, subukan mong ikaskas yung labi mo dito...Uhm!"


Dahil hindi na makapagtimpi sa inis si Gabriel, iwinasiwas niyang kanyang kanang pakpak sa uluhan ni Leo at natangay ng hangin nito ang maliit na bag na nakasabit sa uluhan nila. Nahulog ito sakto sa mukha ng binata.


"Aray! Sh*t! Sakit! Sa'n ba galing 'to?"


Sapo ni Leo ang mukha niya habang natauhan at bumalik ulit sa realidad matapos matuktukan ng bumagsak na bus. Nagising din bigla si Lourdes at napagtanto na sobrang dikit na pala niya sa binata. Biglang umayos ng upo at hinapit ang blouse.


"Hanggang dito hinahabol ka pa rin ng kamalasan, Leo!"


Pang-iinis niya sa binata na hinihimas pa rin ang noong binagsakan ng maliit na bag.


"Bull's eye! Yes! Woohoooo!"


Palutang-lutang sa loob ng bus si Gabriel habang tuwang-tuwa sa kapilyuhang ginawa niya. 

How to Marry A Guardian Angel?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon