******
5 Years Ago...
Elise's P.O.V
"Bff hindi parin ba sya pumapasok?" Tanong ni Ivon sa akin.
Kasalukuyan kasi akong nakamasid
sa entrance gate at nakatayo sa
parking lot. Isang linggo ko ng
gawain ito simula ng hindi na
pumasok si Abby.After ng may mang yari sa amin
sa cr, wala na akong naging balita
sa ka nya, isang linggo ko na rin kinukulit si Erica kung bakit hindi
na pumapasok si Abby.Pero kahit na anong pag tatanong
ko'y wala syang maibigay na matinong sagot sa akin, hindi daw nya alam. At sa sarili ko daw itanong kung bakit.Kaya simula non ay never na
akong nag tanong sa ka nya, at
nag babakasakali parin ako na
papasok ulit sya."Wala parin ba?" Naiinip ng tanong
ni Ivon."Wala pa rin eh!" Malungkot kong sagot dito.
"Final Exam na natin ngayon,
pag hindi pa sya pumasok baka
hindi sya makapasa kay sir Carpio"Ramdam ko sa boses ng kaibigan ko yung concern kay Abby.
Bumuntong hininga nalang ako at sinenyasan na si Ivon na pumasok
na kami sa room, sa totoo lang ay nawawalan na ako ng pag-asa na makita ko pa syang muli.Malakas ang pakiramdam ko na
hindi na sya babalik pa, after ng
mga nangyari sa amin, at ng mga
nagawa ko sa ka nya.******
Natapos ang isang semester na
walang Abby na nag pakita.
Binuhos ko ang mga oras at araw
ko sa pag tulong sa parents ko sa
salon.Alam kong napapansin ng mga magulang ko ang naging pag babago ko, pero never silang nag tanong sa akin, lagi ko lang silang nakikitang pinag mamasdan ako, hindi rin
naman ako nag oopen about kay
Abby.Mabilis na lumipas ang mga araw
at linggo, natapos din ang bakasyon,
Pasukan na naman at ito na nga ang final year namin dito sa CEU umaasa ako na mag papakita sya ulit.Umaasa ako na balang araw
magagawa ko ulit yung mga nagawa
ko sa ka nya, miss na miss ko na sya, yung mga halik nya lalo na yung mga hawak nya sa akin.Kelan kaya ulit? Kelan kaya ulit
mang yayari yon.Kasalukuyan kaming nakaupo sa paborito naming tambayan dito sa university.
"Mga bru kamusta ang bakasyon?"
Masayang bungad sa amin ni Chad."Ok lang mga bru, masaya at enjoy." Sabat naman ni Joy.
"Oh! Ikaw Elise anong balita?"
Tanong naman sa akin ni Deth.Ngumiti lang ako ng alangan sa
kanila, nakaramdam naman ako
ng konting inggit sa mga kaibigan ko, buti pa sila nag enjoy sa bakasyon nila.Samantalang ako'y laging tulala,
kung hindi pa ako nag pa ka busy
sa pagtulong kina mama malamang
na masiraan ako ng bait, tanging si Ivon at Chad lang ang nakaka alam
ng pinag daan ko sa nakalipas na bakasyon."Elise narinig mo na ba ang balita?
Si Ivon habang hingal na hingal sa
pag takbo palapit sa amin."Anong balita?" Kunot noong tanong ko.
BINABASA MO ANG
Love or Lust (GxG Completed)
Любовные романыElise Mae Santos... Nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pakiramdam sa transferee student na si Abbigail Suarez. Nahihirapan syang aminin sa mga kaibigan nya, lalong-lalo na sa sarili nya na mahal na din nya ang dalaga. Naging makasarili at nawal...