MLFTC-46

13K 449 36
                                    

MLFTC-46

*****

Siya si tiyang Nely!

"Pero tiyahin po ang pagpapakilala ng inay sa akin sa inyo." Sagot ko. Nailing ito.

"Ako ang tunay mong ina, Yana." Mapait pa itong napangiti sa akin.

"Halika sa aking silid, may ipapakita ako sa iyo." Umuna itong lumabas ng silid.

Nagdadalawang isip ako kung susunod ba ako sa kanya. Ngunit kailangan kong malaman ang totoo. Pumanaog ako sa kama at lumabas ng silid. Nakaabang ito sa akin at nang makita nito akong sumunod sa kanya ay lumakad na ito pababa nang hagdan.

"Bahay ito ng ginang Zoldic, ang kuwartong ginamit mo ay ang silid ni Catherine, na ngayon ay silid na ni Cereina Erine. Anak siya ng ate Catherine mo at ng alaga kong si Steffano." Ani ng tiyang Nely o mas tamang itawag ay inay.

Mariin akong napapikit at napahugot ng malalim na hininga. Kaya ko pa, makakaya ko pa 'to! Mga bampira ang mga Zoldic. Grabe!

Narating namin ang kusina, sa gilid nito ay isang pinto. Pinihit nito ang seradora upang bumukas. Nilakihan nito ang pagkakaawang ng pinto upang makapasok din ako.

Binuksan nito ang mga bintana at bumungad sa akin ang sandamakmak na mga litrato sa dingding nang tumama ang sikat ng araw sa loob ng silid.

"Ito ka at ang kakambal mong si Alyana." Napaawang ang bibig ko sa narinig.

Kakambal ko si Alyana!? Ibig yatang manlumo ng aking mga tuhod kaya napakapit ako sa sandalan ng upuan. Nasapo ko ang aking dibdib at inilipat ang aking kaliwang kamay sa aking tiyan. Nagsimula na namang mangilid ang mga luha ko. Kaya pala sa tuwing nakikita nila ako'y Alyana kaagad na pangalan ang kanilang naisasambit dahil 'yon pala ay kakambal ko siya. Nunal lang sa leeg ang pagkakaiba naming dalawa ngunit kung wala talagang pagbabasehan ay para talaga kaminp nananalamin sa isa't isa.

"Tiya---inay..." Alaganin ko pang tawag dito. Bumaling naman ito sa akin.

"Paano ako nawalan ng alaala? Bakit ang inay Mathilda ang kasama ko at 'di kayo? Paano?" Sunud-sunod kong mga tanong.

Mapait namang napangiti ang inay Nely. Lumakad ito palapit sa akin at pinaupo ako, saka ito tumabi.

"Dise-sais lang ako noon nang mabuntis ako ni Efren, ang nobyo ko. Si Mathilda naman ay matalik kong kaibigan at hindi lingid sa aking kaalaman na may gusto si kay Efren, ang iyong itay..." Kuwento nito. Nasapo ko ang aking noo.

"Efren? Kaibigan lang ang pagpapakilala ng inay sa kanya." Sagot ko naman dahil iyan lang naman talaga ang alam ko.

"Kung ganoon ay nagsinungaling siya sa iyo. Alam mo bang lubos kong dinibdib ang iyong pagkawala Yana. Itinago ka sa akin ni Alyana dahil lamang sa inggit, galit, selos at poot. Binilog niya ang utak ni Mathilda upang maisama ka sa paglayo nila ng tatay mo. Nalaman kasi ng itay mo na isa akong immortal at ang paniniwala niya'y salot kami. Isinumpa raw ng Diyos." Muling naiyak ang inay Nely at pinisil ang aking kanang kamay.

Para yatang aatakihin na ako sa puso dahil sa mga nalaman ko. Napatayo ako at napamewang.

"Bakit naman niya gagawin 'yon nay!? Kapatid ko siya 'di ba? Ano ang dahilan!?"

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na mainis kay Alyana. Tama nga si Zsakae, masama ang ugali nito. Ngunit bakit?

"Dahil lamang kay Mattheaus! Simula nang mapili ka ng buwan bilang nakatakda sa propesiya ay nagkaganoon na ang kapatid mo. Mahal niya si Mattheaus ngunit ikaw ang minahal ng alaga ko." Mapait itong napangiti. Halos mamilog naman ang aking mga mata sa sinabi ng aking tunay na ina.

"Si Mattheaus? Pa-paano niyo siya nakilala?" Gulat na gulat kong pang tanong.

Dahil lang kay Mattheaus kaya ako nagawan ng masama ni Alyana? Ngunit kasal silang dalawa! Naupo ako sa sobrang gulo na ng aking utak. Parang ayaw kong maniwala sa mga nalaman ko.

"Siya ang isa sa mga alaga ko, Yana. Pangalawa siya sa anak ng ginang Zoldic." Muli akong napatayo.

"Zoldic!? Ano ang totoo niyang pangalan?" Tumayo naman ang inay Nely at may kinuhang larawan. Nang mai-abot niya ito sa akin ay muntik ko na itong mabitawan. Si Mattheaus nga!

"Mattheaus Keanno Zoldic ang buo niyang pangalan, anak."

Bumigat bigla ang paghinga ko. Ang buong akala ko'y magkaibang tao si Mattheaus at Keanno, iyon pala ay iisa lang sila!

"T-tubig..." Tanging naisambit ko.

Agad na tumalima ang inay Nely para ikuha ako ng tubig sa kusina. Naiwan akong tulala at pilit na hinahagilap ang aking katinuan. Diyos ko? Ano pa ba ang hindi ko alam! Gustohin ko mang umiyak ngunit tila yata biglang natuyo ang aking mga mata.


MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon