“GIO!!! Sino ba kasi crush mo? Sabihin mo naman sakin! Best friends naman tayo eh! Sige na! PUHLEASEEE!” pagmamakaawa sakin ni Aeryn, best friend ko for like since I was four years old. (Yup, ganun talaga katagal) Tikom lang ang bibig ko at patuloy sa pakikinig sa headphones na suot ko.
“GIO NAMAN EH! PAKINGGAN MO NAMAN AKO!” sigaw niya, sabay hablot ng headphones ko. Sabay belat saken.
“Aeryn! Ibalik mo! Nakikinig yung tao eh!” sigaw ko sa kanya. Medyo galit yung tono ko pero sa totoo lang, hindi naman talaga ako galit. Sanay na ako sa kakulitan niya.
“BLEEEEEEH!” binelatan niya ulit ako. “Sino muna crush mo?”
“Aish. Pumunta tayo dito sa rooftop para magreview. Hindi para magchismis tungkol sa lovelife!”
“Kung ayaw mo.... Sige, CLUE NALANG!” sabi ni sabay ngiti.
“Clue? Sige.” Sabi ko, papalapit sa kanya. “Mahal na mahal ko sya.”Sabay grab ng headphones ko at kumaripas ng takbo palayo.
“GIOOOOOOO!!!!”
***
Months whizzed past. One night, habang nakatihaya ako sa kama, nakikinig ng music, biglang nagring ang phone ko. Nagtext si... Aeryn.
From: Aer
Yo, wassup?
Fr: Gio
Heto, kausap si Crush. At ikaw.
Fr: Aer
Oops! Baka nakakasira ako ng moment!
Fr: Gio
Okay lang! 24/7 naman kaming magkausap eh.
Fr: Aer
Intense dre! Bakit naman minu-minuto magkausap kayo?
Fr: Gio
Kase kailangan ko sya para mabuhay.
***
Christmas Season.
Today’s our Christmas Party. Well, actually, one week pa before X-Mas. Basta, tradition na namin yun. As usual, nandito na naman ako sa rooftop ng school. Kasama ang best friend kong si Aeryn.
“San kayo pupunta ngayong vacation?” tanong ko. Oo nga pala. Today marks the start of our Christmas Vacation. Matagal-tagal din ang balik namin.
“Sa Korea. Duh. Dun kami nags-spend ng Christmas Vacation always. Alam mo naman.” Sagot naman nya. Oh, I forgot to mention, Korean-Filipino pala sya. Nakita nya sigurong medyo down ako kaya tinanong nya ako, “Bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa?”
“Narealize ko lang. Hindi kami magkikita ni Crush for a loooong time.”
“Sus! Drama naman nito! Hindi ba’t magkatext naman kayo? Oks na yun!”
“Ikamamatay ko kung wala sya.”
***
February 14.
Happy Valentines.
Nandito ulet ako sa rooftop, hawak-hawak ang rose na binili ko kahapon. Ibibigay ko sana to sa kanya, pero... ugh. Torpe si Koya.
Nakarinig ako ng mga yapak at paglingon ko, si Aeryn. Hapong-hapo na siya.
“OY IKAW! KANINA PA KITA... HINA---HANAP. NANDI----TO KA LANG... PALA.” Singhal nya. “R-roses? P-para kanino?”
“Alam na.” Sabi ko at nagsmile ng patipid. “Tinorpe na naman ako. Hehe.”
Awkward silence.
Then... Sinigawan nya ako.
”GIO! Alam mo, tanga ka! Capital T-A-N-G-A! Ikaw ang stupidest, most brain-dead, at manhid na idiot na nakilala ko. Nahiya ang paralyzed sa pagkamanhid mo! Grabe! All this time, you’re drooling over another person heto ako, isang taong mahal na mahal ka! For years already! Pero I doubt na naramdaman mong mahal kita. PUSONG BATO ANG MERON KA! Kasi nga, hanggang ngayon, mahal na mahal mo siya, at dito ako na mukhang timang pero panay pa rin ang pagsisigaw at pagpaparamdam na MAHAL KITA!”
She’s crying now.
Nilapitan ko siya and I cupped her face. I looked deep into her hazel eyes and said:
“Sabi ko sayo, mahal na mahal ko siya. Sabi ko sayo, kailangan ko sya. Sabi ko sayo, ikamamatay ko kung mawala sya. Pero may isang bagay na hindi ko sinabi sayo...”
I leaned and whispered into her ear.
“... na ikaw at sya...
.
.
.
.
.
.
.
.
... ay iisa.”
'~fin~'
[VOTE] [FAN] [COMMENT]