the 14th day

6 0 0
                                    



Natalya's Pov


"pst.pst. Natalya di ba siya yung crush mong si Jasper"



Sabi sa akin ng bestfriend kong taga accounting. Sabay turo dun sa lalaking naka side view sa amin habang kumakain


"oo na.tss. wag kang maingay baka marinig ka. Tapos tinuro mo pa, walang hiya ka talaga. Baka mamaya iwasan ako ni Jasper humanda ka sa akin"


"ayeii bakit kasi ayaw mo pang lapitan tutal magkaklase naman kayo , sige mamaya niyan may umagaw sayo magiging kawawa ka naman"


"haler Zyrinne , babae ako remember? Nakakahiya at nakakabawas sa dignidad ng babae kapag siya ang manliligaw"


"sa panahon ngayon friend kapag babagal bagal ka wala kang mapapala atleast na try mo di ba? Teka sinabi ko bang ligawan mo? Ang gusto ko lang naman na gawin mo eh lapitan mo at makipag kaibigan ka tapos boom magiging close kayo. Hihihihi"


"hay nako Zyrinne sinasabi ko sayong sobrang hirap ng pinapagawa mo. Tignan mo naman oh puro lalaki ang kasama niya tapos ano ? one of the boys nasisiraan ka na ba ng bait ha?"


"sinabi ko bang maging isa ka sa kanila ? ang sabi ko kay Jasper lang tsaka tsk. Bahala ka na nga tignan mo mauunahan ka pa nung mga babaeng yun"

Sabi niya sabay turo dun sa mga babaeng may dalang dala ng kung ano ano kay Jasper .

Biglang nandilim ang paningin ko. Parang gusto o silang sigawan o di kaya pasabugan ng bomba.

Kaso sino nga ba ako para gawin yun?

Hindi nga ako makalapit tapos gagawin ko pa yun?

Tsk nasisiraan na ako ng bait dito.

"oh di ba kawawa ka naman , ikaw hindi man lang makalapit"

"salamat sa concern mo ahh at pang aasar nakatulong ng sobra" sarcastic kong sabi sa kaniya

Kaso kinainan lang ako ng walang hiya.



Ako pala si Natalya Marquez. Isang 4th year college at taking business ad. At yung kasama ko kanina ay si Zyrinne sa accounting siya. Kababata ko ang isang yun kaya naman sobrang close namin.

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Kasi sinusundan ko si Jasper at syempre para na rin kumain. Oo mukha akong stalker. Tss naman kasi hindi kasi ako magawang pansinin ng mokong kahit magkaklase kami sa lahat ng subjects. Ginagalingan ko na nga sa recitation. Nag aaral ako ng mabuti. Binibigyan ko siya ng papel kapag wala siya. Pinapahiram ko pa ng ballpen. At kung ano ano pa mapansin lang niya kaso pag may kailangan lang talaga siya saka siya lumalapit sa akin. Nakakaiyak lang talaga.

Bakit ko nga nagustuhan ang isang katulad niya?

Bukod sa gwapo siya. Varsity player.Matulungin at mabait siya.

Nakita ko kasi siya one time na nagdonate sa isang orphanage at dahil na curious ako tinanong ko kunwari kung sino yung nag donate kaso ang sabi sa akin wala daw binigay na name. Meron pa, one time habang tumatakbo ako pauwi dahil umuulan. Nakita kong umiiyak siya sa may isang swing, lalapitan ko sana siya kaso bigla siyang tumayo at lumapit dun sa matanda para tulungang tumawid. Simple act lang yun kung titignan pero para sa akin isang malaking bagay yun para magustuhan siya. How many times kong nakita kung paano siya naging mabait sa iba. Hindi mo aakalain na gagawin yun ng isang kagaya niya.

The 14th day (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon