-Chapter 29-
TATLONG ARAW NA ANG lumipas simula ng bumalik sina Brian, Mark, Kian, Nicky at Shane sa Dublin ngunit patuloy pa rin ang una sa pagdadala ng sakit na kanyang nararamdaman sanhi ng mga larawang nakita niya noong sila ay nasa Taipei pa. Kahit anong paliwanag ang sabihin ng kanyang mga kaibigan at kasamahan sa banda ay patuloy pa ring ginugulo ng pangyayaring iyon ang kanyang buong pagkatao na tila hindi na iyon kailanman makakatkat pa sa kanyang isipan. Pakiramdam niya ay tumigil na sa pag-inog ang kanyang mundo at nawalan na siya ng ganang ipagpatuloy pa ang kanyang buhay. Nawalan na rin siya ng ganang dumalo sa kanilang rehearsals para sa pagpapatuloy ng kanilang World Tour na ngayon ay gaganapin naman sa piling bansa sa Europa pagkalipas ng Bagong Taon. Ilang oras nalang ang nalalabi at sasapit na ang Bagong Taon ngunit nagmistulang Biyernes Santo ang araw na iyon para kay Brian. Gulong-gulo ang kanyang isipan at hindi na siya makapag-isip ng matino. Wala silang rehearsal ngunit wala siyang ganang lumabas mula sa kanyang kwarto upang makisaya sa kanyang apat na kaibigan. Hindi rin siya sumali kanyang pamilya na ngayon ay abala na sa paghahanda para sa New Year’s Eve mamaya na dati niyang ginagawa. Nagtataka man ay pinili nalang ng mga ito na hayaan na muna siya. Habang nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama ay nahagip ng kanyang paningin ang isang 8x10 inches na frame na nakapatong sa side table na katabi ng telebisyon na nasa loob ng kanyang kwarto. Naroon ang larawan nilang dalawa ni Katharina noong tatlong linggong bakasyon niya sa Sitio Remedios. Naroon na naman ang pakiramdam na tila nginangatngat ng ibayong sakit ang kanyang buong puso kaya nilapitan niya iyon at marahas na kinuha mula sa kung saan iyon nakatayo. Muli na namang naglandasan sa kanyang pisngi ang mga luhang huminto na sana sa pag-agos.
“Katharina, how could you do this to me? Why did you deceive me? I utterly believed that you’re the right one for me because I thought that you’re different from them, that I can give all my trust in you. You’re the only woman I loved this way and gave my full credence to but you just chose to break it. You deceived me and I utterly hate you for doing this to me!”
Puno ng hinanakit ang boses ng binata habang sinasambit ang mga katagang iyon na tila ang totoong Katharina ang kanyang kausap. Halos mapugto ang kanyang hininga sa sakit na kanyang nararamdaman. Dahan-dahan niyang ikinuyom ang kanyang dalawang kamay na ngayon ay nakahawak pa rin sa naturang frame. Mas lalo niyang idiniin ang kanyang mga kamay sa pagkakakuyom hanggang ang salamin ng naturang bagay ay unti-unting nabasag na ngayon ay lumilikha na ng sugat sa kanyang mga kamay. Tila hindi na alintana ng binata ang hapdi ng sugat na dulot ng pagkakabasag niya sa salamin ng naturang bagay dahil tila pakiramdam niya’y wala ng mas sasakit pa sa kanyang nararamdaman ngayon sa kanyang puso. Ang dugong kanina’y dahan-dahang umaagos mula sa kanyang mga kamay ay tumutulo na ngayon sa carpet na nasa sahig ng kanyang kwarto. Narinig niyang may kumatok sa kanyang kwarto ngunit tila wala siyang naririnig.
-o00o-
“Brian! Please open the door!”
Mula sa labas ay tawag ni Vivien sa nakatatandang kapatid ngunit wala siyang narinig na sagot mula dito. Inulit niya ang pagkakatawag sa kapatid sa pangalawang beses ngunit kagaya kanina ay nanatiling tahimik lang ang nasa loob kaya napagpasiyahan ng dalaga na pihitin ang seradura. Bumundol ang kaba sa kanyang dibdib ng hindi niya iyon mabuksan dahil alam niya ang pinagdadaanan ngayon ng kanyang kapatid.
“Brian! Please, let’s talk about about your problem and open the door. Please don’t be like that!” Tarantang sigaw niya na ngayon ay kinakalampag na ang pintuan ng kwarto ni Brian. Nang hindi pa rin iyon mabuksan ay tinawag na niya ang kanilang mga magulang.
“Mum! Dad! Brian’s not opening the door! Help me! I’m afraid he’s doing something horrible inside!” Hindi magkandaugagang sigaw ng dalaga habang tinatawag ng kanilang mga magulang na kasalukuyang nasa kusina at nagluluto kasama si Kakai.

BINABASA MO ANG
Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]
Fanfiction[[NOTE: This is the unedited version of the story so please bear with the typos and wrong grammar. I'm still finding enough time to polish this so it would look presentable.]] "Like Only A Woman Can" is a fan-fiction romance novel written by Yours T...