chapter I

6 0 0
                                    

First day of school nun sa De La Rosa National High School at masasabi ko na napakacheap ng eskwelahan ko.
By the way,ako nga pala si Nicole Marie Mendoza,anak ng isang negosyante at pulitiko.
Siguro nagtatanong kayo kung bakit nandito ako sa basurang eskwelahan na ito.
Ang dahilan kung bakit ako nandito ay dahil nagrebelde ako sa mga magulang ko kasi hindi ko naramdaman na mahal nila ako.
Although nakukuha ko lahat ng gusto ko e hindi ko naman sila nakakasama.
Sa dami ng kalukuhan na ginawa ko katulad ng hindi pagpasok sa eskwelahan ng parochial,pangbubully sa mga kaklase ko,pag-iinom,at higit sa lahat ay ang pinaglalaruan ko lang ang mga naging lalaki sa buhay ko pero wag niyo isipin na umabot na sa kama ah kasi wala pang lalaki na nakakahalik sa akin.
Asa silang mga unggoy at mga paasa na walang kwenta.Kung iyong mga babae mga tanga na napapaikot nila pwes ibahin nila ako kasi mga display lang sila.
At dahil sa mga record kong ito,sa sobrang talino ng mga magulang ko e pinatapon ako sa probinsya ususal wala akong pakialam sa kanila kasi simula't umpisa di ko naramdaman na mahal nila ako.
Ang mama ko ay sobrang busy sa negosyo niya na gabi-gabi na lang ay may field trip kung saan-saan sasabihin na business iyon pala e makikipagkita sa kabit niya kasi narinig ko siya na may kausap at naglalandian.
Si papa naman na mas inuuna pa ang ibang tao kaysa sa amin.Pati mga pulubi e gusto niya patirahin sa aming bahay.
Ginawa pang poorish of the poorest.Sa sobrang bait niya nga pati kerida niya na basura at mapula ang mga cheek na parang clown ay pinapasok niya sa bahay.
Naging pugad ng kademonyohan ang bahay namin kaya walang kaso sa akin kung dun ako kay Tita Manilyn,ang probinsya naming napakalinis na kahit maraming hayop at bungalow lang ang bahay e mababait at masasayang pamilya kumpara sa bahay namin na makasalanan.
"Anak dito ka muna sa tita Manilyn mo"ang utos ng ama.
"Okay dad.Maging masaya sana ang pagsasama niyo ni mom sa bahay ng makasalanan," ang aking nasambit.
Hindi na ako pinansin ng aking magulang at umalis na sila.
Nakilala ko naman ang anak ni Tita Manilyn na si Sarah.
Simple lang siya manamit.May dimple,black beauty na dala na siguro ng kainitan at may pagkaold style.
Sa hitsura pa lang e ibang iba siya sa akin at sa ugali ay magkaiba rin kami kaya natitiyak ko na hindi kami magkakasundo sa mga bagay-bagay.
Pareho kami ng edad at lilipat ako sa school niya.Sinamahan niya ako sa pagpaenroll at dahil baguhan ako sa school na iyon ay halos lahat ng tao doon ay pinagtitinginan ako.
Siguro dahil sexy at maganda ako pwes swerte sila at dito papasok ang artistahin na katulad ko pero asa sila na makikisalamuha ako sa mga low class at mga syokoy na pagmumukha nila.
Manigas sila pero kailangan ko rin maging masaya.
Habang nakaupo kami ni Sarah ay may lumapit sa amin at isang weirdow na may salamin na bilugan,hati ang style ng ulo na pang old school,payat,bilugan ang mata,nakajaket na itim kahit mainit,nakamaong na pantalon at higit sa lahat balat na brown ang sapatos.Sh*t, ganito ba ang barkada ng pinsan ko?
"Sarah,ito pala iyong pinapahanap mo sa akin na materyales para sa orientation seminar," ang nasabi ng weirdo.
"Salamat Roy," sagot ni Sarah.
"Ui,weirdow na old school na alalay ni Dexter ng cartoon network tapos na ang kailangan ng pinsan ko saiyo saka wag muna ulit sya lalapitan sa sobrang pangit mo e ayoko magkaroon ka ng ugnayan sa kanya.Bagay sayo sa carnival HAHAHA!" ang aking nasabi sa weirdo.Agad naman ako pinahinto no Sarah at ang lalaking weirdo ay umalis.Hihingi sana ng tawad si Sarah sa kanya at hahabulin pero pinigilan ko.Doon ko nasabi sa sarili ko na magiging masaya ang pananatili ko sa eskwelahan na ito.

I fell in love to the stupid guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon