CHAPTER SEVEN
"HINDI ka na ba talaga magpapapigil, kuya?" Tanong nya sa kapatid na handang-handa ng lisanin ang bahay nila. Humarap ito sa kanya at mataman syang tinignan.
"I need to study abroad Charlton para sa future ko para na din mapatakbo ko ng maayos ang kumpanyang pinaghirapan ni daddy." Hinawakan sya nito sa magkabilang balikat. Kahit na mataas sya di hamak naman na mas matangkad ito sa kanya. "Alagaan mo sila ha?"
"Sila mommy at daddy?"
"Yes, dapat ikaw na ang mag-alaga sa kanila habang wala ako."
"Kailan ka ba babalik kuya?"
"Hindi ko pa alam basta pagbalik ko dito ako na ang magpapatakbo ng negosyo natin para makapag rest na si daddy." Tumango sya.
Unti-unti nya ng naiintindihan kung bakit kailangan umalis ng kapatid at mag-aral ulit sa ibang bansa. Ang kuya nya ang susunod na CEO ng kumpanya nila at ito na din ang mamamahala do'n.
"How about me kuya? Ano ang gagawin ko?" Ano nga ba ang gagawin nya? Inako na lahat ng kapatid nya ang pagpapatakbo ng negosyo nila.
"Alagaan mo ang sarili mo, Charlton. Dapat hindi ka lagi aasa kila mommy kasi malaki ka na dapat kaya mo na ang sarili mo." Bilin nito.
"I will." Yumakap sya sa kapatid. "Kuya, kapag nalulungkot ka do'n tumawag ka lang samin ha? Mag Skype tayo lagi para hindi mo kami mamiss." She heard him chuckled. Ganyan 'yan eh, minsan parang natutuwa kapag kausap sya. Sobrang bait sa kanya ng kuya Cassidy nya kaya swerte ang mga nagiging girlfriends nito. "Pag-uwi mo pwede mo ng ligawan si ate Stella." May crush kasi si Stella Venisse sa kausap nya pero secret lang iyon kaya hindi nya sasabihin.
"Bakit ko naman sya liligawan?" Gulat na tanong nito. "Ang ingay-ingay ng babaeng 'yon mababasag ang eardrums ko sa lakas ng boses ng taong 'yon." Hindi na maipinta ang gwapong mukha ng kuya Cassidy nya ng kumalas ito sa yakap nya.
"Ayaw mo sa kanya?" Hindi ito nagsalita. Silent means Yes. "Ayaw mo sa maingay na babae?" Follow up question nya.
"Yes I hate maingay." Mabuti na lang hindi sya maingay kung nagkataon baka hate din sya ng kuya nya. "And I hate the color of her skin."
"What? Ang ganda kaya ng kutis nya kuya hindi nya na kailangan mag take ng mga pampaputi ng balat kasi sobrang puti nya na."
"That's the reason why I don't like her, ayoko ng mapuputi na babae." Bakit 'yung ibang lalaki gustung-gusto ang mapuputing babae? Pero ang kuya Cassidy nya ayaw?
Pasimple nyang tinignan ang braso nya. Maputi sya ibig bang sabihin no'n her brother hate her? "Ayaw mo din sakin kuya?" Mababakas ang lungkot sa boses nya pati na din sa mukha nya.
"No, no, baby, don't be sad. I don't hate you kasi kapatid kita."
"Pero maputi ako and you said you hate mapuputi na girls." She pouted.
"Ikaw at si mommy lang ang babae na mahal ko kahit maputi kayo." Natawa ito ng bahagya na para bang may sinabi itong nakakatawa. "Hindi ko lang talaga type 'yung sobrang puti na mga babae I will never court them." Batid nyang seryoso ito.
"Okey I understand na." Love pa din naman pala sya ng kuya nya kahit maputi sya. Kawawa naman pala ang ate Stella nya dahil ayaw pala ng kapatid nya sa mapuputing babae. Mukhang wala ng pag-asa si Stella sa kuya Cassidy nya.
"I have to go." Anito at muli syang yinakap ng mahigpit at hinalikan sa noo.
"Mag-ingat ka palagi do'n kuya ha?"
"I will." Sabi nito at pumasok na sa kotse na maghahatid dito sa airport.
Tinanaw nya lang ang sinasakyan ng kuya Cassidy nya na palabas na ng malaki nilang gate. Ayaw kasi nitong magpahatid sa airport kaya hindi na sila sumama. Nakausap na din naman nito ang magulang nila kanina bago sya nito kausapin. Bumalik sya sa loob ng bahay nila at hinanap ang mommy nya. Magpapaalam kasi sya, may dinner date kasi sila ni Ryxer.
BINABASA MO ANG
RACE 1: Left Behind
RomanceAll that Charlton Forbes daydreamed about was to be noticed by her childhood sweetheart--Ryxer Wilson--as a grown woman. She's already got everything that people could have; a loving and supporting family, a group of friends who truly cared for her...