Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan.etc !This is a Oneshot story
Dedicated to: Earthworm ✌🐛🐛
Sabay sa pagpatak ng ulan, halos hindi ko rin mabilang ang mga luhang pumatak mula sa aking mga mata.
Parang kahapon lang....
" Mag de-debut na ang kaibigan kong maganda".masayang saad ni Rodel,isang hapong napadaan siya sa bahay.Kinuha ko ang unang nasa lapag at pabirong ibinato sa kanya.
"Aba!totoo naman ah! Dalawang buwan na lang at magiging ganap ka nang dalaga, pwede ka nang..."
"Pwedeng ano! Agaw ko sa iba pa nyang sasabihin.
"Pwede ka nang magboto sa darating na eleksyon!" Pabirong singhal niya sa'kin.Inirapan ko na lamang siya at pabiglang tumayo sa sobrang pagkadismaya.
Matagal ko na kasing mahal si Rodel kaya lang...😣 mukhang manhid ata ang oud.Kahit anong gawin kong pagpaparamdam...hay talagang wala lang sigurong damdamin ang ungas na'to. Palibhasa kasi best friend ko siya.
Pupunta na sana ako ng kusina upang itimpla siya ng juice nang biglang hinawakan niya ako sa kamay at tinitigan maigi. Natulala ako nang mga sandaling iyon at namalayan ko na lang na napapaupo na ako sa silya.
"Alam mo," pasimula niya,
"Marami akong balak para sa...."
"Para saan, Rodel?"
"May balak sana akong ibenta ang alaga kong baboy." Parang nabuhusan ako ng isang katerba yelo sa kanyang tinuran.
"Bakit?" ang tanging katagang namutawi sa aking bibig.
"Hoy! Miss, manhid ka ba? Syempre para bongga ang debut mo.wala kasi along pangregalo kaya aambag nalang ako sa gastusin."
"Eh, di salamat kung ganoon,sige na umuwi kana nga, parang ma's excited ka pa yata kesa sa'kin."pagtataboy ko sa kanya.Inis na inis kasi ako, ang akala ko pa naman ay magtatapat na ang ungas...hindi pa pala o baka wala lang talaga siyann ipagtatapat.
"Happy Birthday to you, happy birthday to you" pang iinis niyang kanta.
"Hala uwi na.."
-------------------------------------------------------------
"Denisa, Denisa!"
Layo pa'y sigaw ni Angelica.Kaibigan ko mula bata pa kami.
"Tara na, umuwi na tayo, basang-basa ka na." Napahagulgol akong yumakap sa kanya.Naalala ko, nexweek na pala ang birthday ko, ngunit heto ako...basang-basa sa ulan.
Lumisan ako sa puntod ni Rodel na dala-dala ang pangakong hinding-hindi na muling magmamahal pa.
The End.
Hi sorry kung epic yung story ko .first time kung gumawa ng story .✌✌
Please add me sa IG & TWITTER.👉 rem41reaper
👉@squarehead23
Thanks👌