CHAPTER SEVEN :))

1.4K 26 2
                                    

CHAPTER 7 :))

(AIRA'S POV)

       

       Nandito ako ngayon sa bahay nila Johann.... dito ako natulog dahil sobrang maga yung muka nya at walang mag-aalaga sa kanya dahil wala dito yung magulang nya..Ala-lang alala ako sa kanya dahil sya yung lubhang nasaktan.... kung hindi pa siguro dumating yung security guard wala sigurong pipigil sa kanila,pero buti na lang at naawat sila

   Tumayo na ako sa kama at dumiretso na sa cr para maligo dahil may pasok pa ngayon..Pagkatapos ko, umalis na ako at pumasok na... hindi ko na ginising si johann dahil alam kong masakit pa ang katawan nya,.. nag-iwan na lang ako ng Letter para hindi sya mag-taka na wala na ako pag-gising nya.

           

     Kasalukuyan akong naglalakad sa masikip na iskinita (dito kasi yung daanan papuntang school!) Natatakot ako dahil walang katao-tao dito at napakatahimik pa....Binilisan ko na lang ang paglalakad ko dahil natatakot talaga ako...Maya-maya may lumabas na isang lalaki sa harapan ko at hinarangan nya yung daanan Matangkad sya at nakakatakot...Bumilis bigla yung tibok ng puso ko..Sobrang natatakot talaga ako ...umatras ako at plano kong bumalik sa bahay nila johann ngunit may lumabas uli na isang lalaki na humarang din sa dadaanan ko..Hinawakan nya yung braso ko ng mahigpit.

        Doon na tumulo yung luha ko....Lalo akong napaiyak nung bigla nya akong sinandal sa pader ng madiin hindi ako makapalag

"Ang ganda mo te"-manyak na sbi nya

       Inamoy nya yung buhok ko

"At ang bango-bango mo pa"- Dagdag nya        

    Gusto ko na sanang sumigaw kaso,walang lumalabas na boses sa bibig ko para ba akong binabangungot! kaso alam kong hindi.. sana nga bangungot na lang to eh..lalo pa akong natakot ng papalapit ng papalapit yung katawan at muka nya sa akin

    Yung hahalikan nya na ako, bigla ko syang sinipa sa ano nya sanhi ng pagkabitaw nya sa akin

"araaaay"-napahawak sya doon at nangingilipit sa sakit

    Sinubukan ko ng sumigaw at finally may boses ng lumalabas

"Tulong!!! Tulong!!"

     Sigaw lang ako ng sigaw,pero bakit walang nakaririnig sa akin??  tumakbo lang ako ng tumakbo ngunit hindi ko nakita ang isang kahoy sa lapag kaya na dapa ako.. Pagtingin ko sa dalawang lalaki,nasa harapan ko na sila! doon nawala ang pag-asa ko

"tatakbo ka pa ah"-manyak 1

"Kala mo matatakasan mo kami"-manyak 2

   Nagulat ako nung  hinawakan nung isang lalaki yung mga kamay ko, pumipiglas ako ngunit sadyang napakalakas nya

"Pre Mauna ka na! next na lang ako"-Sabi nung lalaking nakahawak sa kamay ko

"Ah sige pre, Hawakan mo ng mahigpit yan ah."-sabi naman nung isa

   Dahil sa mga sinabi nila nayun.. nagpupumiglas ako ng pagkalakas lakas ngunit hindi ko talaga kaya malakas sila sumigaw ako ng sumigaw lalo pa akong napasigaw ng hinawakan nung isang lalaki yung legs ko

"tulungan nyo ako! tulong!"-kasabay ng pagpupumiglas ko ay sunod-sunod na pagpatak ng luha ko! hindi ko na gusto ang mga nangyayare

"Kuya, maawa po kayo!wag po"-pagmamaka-awa ko

   Hindi nagsalita yung lalaki.. Nakatingin lang sya sa legs ko  para bang...hahawakan nya uli ang mga ito  hindi ako nagkamali.. hahawakan nya nga ito

  Hahawakan nya na dapat kaso sumigaw ako ng pagkalakas: "Tulong!!  Tulungan nyo ako!!"-tinakpan nung isang lalaki yung bibig ko kaya hindi ko na makuhang sumigaw  Tinuloy lang nang isang lalaki ang plano nya  nung hahawakan nya uli yung legs ko napapikit na lang ako

  May narinig na lang akong bumagsak na tao, Pag dilat ko, nakita ko na nakatumba na yung dalawang lalaki at di kinalaunan tumakbo na sila! May Dalawang lalaki na nagligtas sa akin..papalapit yung isa sa akin at yung isa naman ay pinulot yung mga nakakalat kong gamit.. napayuko na lang ako at nag-iiiyak Mabuti na lang at dumating sila bago ako gahasain..

"Ayos ka lang ba miss?? nasaktan ka ba nila??"-tanong nung isang lalaking lumapit sa akin

    Hindi ako nakapagsalita siguro nadala parin ako sa nangyare kanina nakayuko lang ako at umiiyak

"Miss??saan ka nakatira hahatid ka na namin!"-dagdag pa nya

  hindi pa rin ako kumikibo nag iinit na yung katawan ko.. nagsimula nang sumakit ang ulo ko hanggang ngayon, nanginginig parin ako sa takot..maya mya naging blangko yung paningin ko at nahimatay na ako

    Pag gising ko, nasa hospital na ako tumingin ako sa paligid,.. Walang tao..  huling na-aalala ko lang ay yung niligtas ako nung dalawang lalaki! pero bakit wala na sila dito?  Maya-maya bumukas yung pintuan ng kwarto ko at pumasok yung nurse.

"Ay,maam gising na po pala kayo"-nurse

"Ay oo, nga pala nurse, kilala mo ba yung mga naghatid sa akin dito?? namukaan mo ba sila? umalis na ba sila?"-sunod-sunod na tanong ko

"Ay maam umalis po sila kaagad eh. tinanong ko pa nga po kung ka-ano ano ka po nila eh pero tumakbo na po sila palayo sa tingin ko po nagmamadali po sila eh"-paliwanag nung nurse

"Ah ganun ba salamat na lang"-ako

   Nalungkot ako bigla dahil hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanila hindi ko din sila namukaan.. ang tanging natatandaan ko na lang, ay yung mga boses nila pero, salamat at dumating sila salamat at niligtas nila ako

-----------------:))

MEANT TO BE PA RIN TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon