Maryleigh Rosario's POV
“Mary! Table 3 ’to! Ikaw na muna! Na ta-tae na talaga ako!” Napabuntong hininga ako at inirapan siya.
“Kadiri. Chupi ka na nga!” Nag-peace sign siya at dali daling tumakbo papunta sa banyo.
Napa-iling na lamang ako at nag-lakad papunta sa table 3.
Konti na lamang ang tao dito sa café dahil 10 na ng gabi. Dapat nga kanina pa kami nag-sara ng alas-otso pero patuloy pa din ang pag-pasok ng customers na nakakapagtaka.
This place was hidden from road nor highway, so you'll walk far for you to reach this café.
Nevermind.
“Here's your order sir! Enjoy!” Nakangiti kong sabi at nilisan na ang puwesto na iyon.
Pero napatingin ulit doon sa puwesto nung table 3.
Kakaiba kasi ang suot nung lalaki, parang makaluma? Tapos ang haba nung buhok niya na parang pang-babae. Nahiya naman buhok ko. (҂⌣̀_⌣́)
Tapos nagbabasa din siya ng diyaryo kaya hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan nito.
Hindi pa yata uso ang cellphone sa kanya ano?
Nag-kibit balikat na lamang ako at bumalik na sa counter para ayusin ang ilang mga gamit ko doon.
Onti na lamang ang natitirang customer at wala na ding mga pumapasok kaya siguro kapag nawala na ang mga customer ay mag-sasarado na din kami.
“Bakla!” Kumunot noo ako at tumingin kay Jeremy na kakalabas lamang ng banyo.
Hahawakan na sana niya ako pero dahil na-alala kong galing siyang banyo ay agad akong pumunta sa likod niya para hindi niya ako mahawakan. Kadiri!
“Wah! Ang bilis! ’di ko agad nakita ’yun ah! Pero bakit ka umiwas ha?!” Gulat at naiinis na sabi niya.
Teka! Bakit siya ’yung naiinis?!
Sinimangutan ko siya, “Tanong mo sa kamay mo! Amoyin mo kaya muna! Kakagaling mo lang sa banyo eh,” Hindi ako maarte. Sadyang sensitibo lang ako sa mga dumi, ’yung tipo na tataas ’yung mga buhok mo sa batok kapag nakahawak ka ng mga dumi? Ganoon. Arte nga ng balat ko eh.
Inamoy niya naman at kumunot ang noo niya, “Amoy strawberry nga eh! ’Wag ka nga! Binabad ko ’to sa sabon kasi alam ko na maarte ka sa dumi.”
Binatukan ko siya.
“Sensitibo!”
Napanguso siya na mas nagpagusot sa mukha ko, “Bahala ka na nga diyan. Mag-ayos ka na ng mga gamit mo dahil mag-sasara na tayo mamaya.”
Napakamot naman siya ng ulo at pumasok na sa staff room.
Napatingin naman ako sa paligid at doon ko napansin na wala na ang mga customer, again, kumunot ang noo ko.
“Ang bilis naman?”
Napatingin ako sa malaking relo na nakasabit sa dingding at doon nakita na 11 na pala ng gabi.
Parang kanina lang 10:23 palang ah? Napa-iling na lang ako at inayos ang mga kalat sa bawat table.
Pinahid ko ang pawis ko gamit ang likod ng palad ko at pumunta ng staff room.
“Gem! Magsasara na tay... o...” Napatingin-tingin ako sa paligid ng wala akong makitang Jeremy De Guzman o Gem sa paligid. Ni-anino niya ay wala.
BINABASA MO ANG
He's The Vampire Prince (On-going)
VampirI thought they aren't real, they're just a myth or imagination the we created. But, I met one of them. No, thousand of them. Some of them were trying to kill, while some are trying to protect me. Especially him. My Prince. He sacrificed many thing...