******
Continuation...
5 Years Ago....
Elise's P.O.V
Mabilis lumipas ang isang linggo nakalimutan ko na ang babaing
naka halikan ko sa likod ng bar,
isang linggo akong straight na pumasok.Kahit ayaw ko ay wala akong magagawa dahil tuwing umaga
akong dinadaanan ni Ivon, hatid
sundo ang drama nya."Elise nakalimutan mo na ba sya?"
Tanong nya habang nakatingin sa unahan ng sasakyan.Hindi ako sumagot, nanatili lang
akong nakatingin sa labas, wala
syang nakuhang sagot galing sa akin,
simula noon ay hindi na sya nag
tanong pa tungkol kay Abby.Hatid sundo ang parin ang ginagawa nila sa akin minsan ay kasama pa si Chad, Hindi na ako nakikipag talo sa kanila, hindi naman ako mananalo.
Minsan ko na kasing ginawa yon,
pero ang nangyari doon sila nag stay
ng 3 araw sa bahay, ganon nila ako
ka mahal, at ganon din sila mag care
sa akin.Hindi naman makapag tanong sila papa at mama sa kanila, minsan kumakain kami ay basta nalang
akong niyakap ni mama at umiiyak,
hindi daw nila ako pipilitin mag kwento, basta kung handa na daw
ako ay nandoon daw sila at handang makinig.Hindi ko kinaya ang mga eksena
kaya agad akong tumakbo sa kwarto
ko at doon umiyak, ayaw kong makita nila ako na mahina.Simula noon ay wala na rin
nangyaring mga ganong eksena,
nag tuloy-tuloy lang ako sa pag pasok.
Sumapit ang Graduation day, at
ito na ang araw na pinaka mimithi naming lahat, hindi ko maipaliwanag yung sayang nararamdaman ko.Kung hindi dahil sa mga kaibigan
ko lalo na kay Ivon at Chad ay malamang hindi ako nakasama sa
mag tatapos ngayon, hindi ko sana nararamdaman yung ganitong saya.Naging official kami ni Tim,
pero nag hiwalay din agad pag
kalipas ng 2 bwan, kasalukuyan kaming nasa bar non.Nag punta lang ako sandali sa
comfort room, medyo tipsy na din
ako, kaya need ko mag hilamos, may lumapit sa akin na magandang babae
at basta nalang akong hinalikan, gumanti ako sa mga halik nya.After ng mainit na halikan namin
ay nauna na syang lumabas, nag ayos muna ako ng aking sarili at nag pasya na din na bumalik sa mga kaibigan ko.Masaya pa akong lumapit sa kanila, pero isang sampal ang natikman ko
buhat sa kanya.Gulat man ay nagawa ko paring
mag tanong, inagaw ko daw ang girlfriend noong babae, sabay turo
nya sa gilid nya.Saka ko lang napansin yung
babaeng kahalikan ko kanina sa CR, umiiyak din ito at hawak-hawak ang pisngi nya, hindi ito makatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Love or Lust (GxG Completed)
RomanceElise Mae Santos... Nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pakiramdam sa transferee student na si Abbigail Suarez. Nahihirapan syang aminin sa mga kaibigan nya, lalong-lalo na sa sarili nya na mahal na din nya ang dalaga. Naging makasarili at nawal...