Chapter: 1

1 0 0
                                    

Chapter. 1

Zara POV.

~krriiing~
~kriingg~

~aww! Aww! Aww!~

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko at sa tahol ng alaga kong aso na si Maki. Isang dirty white color na Chow-Chow. Nasa 11months palang sya. Bigay nila Mama at Papa saakin noong nagbirthday ako last year.

Napabangon ako sa higaan at sabay niyakap si Maki na nakapatong sa may tyan ko.

"Uhmm.. morning maki." Dinilaan nya ako sa pisngi habang kumakawag ang mabalahibo nyang buntot.

Napatingin ako sa alarm clock.
6:30am na.
Isang araw na naman na ganun pa rin mangyayari.
Gigising sa umaga.
Papasok sa school.
Maririnig ang kaingayan ng mga kaklase ko.
Lectures ng mga teacher.

Matapos kong maligo at makapag'ayos bumaba na ako para kumain ng breakfast. Nakasunod lang saakin si maki.

Nadatnan ko sa kusina sila Mama at Papa pati na rin si Kuya Zach.

"Good morning Ma,Pa, Kuya." Bati ko sakanila saka umupo sa tabi ng kapatid ko.

"Morning bunsoy" Bati saakin ni Kuya sabay gulo ng buhok ko. Arghh!  -__-
Asar ko syang tiningnan saka inayos ang buhok kong gumulo.

Ngiting aso ang mukong. -__-

"Zacharias.! Tigilan mo na yang kapatid mo. Ma'late pa yan." Sabi ni mama saamin habang nilapag ang plato sa harap namin.

"Ang cute kasi ni Bunsoy eh." Pang'aasar pa nya. Tiningnan ko sya ng masama. Nag'tounge out lang sya. -__-

Hampasin ko kaya ng plato 'tong bully kong Kuya. Tsk -___-

"Oh sya, kumain ka na anak." Sabi ni Mama saakin.

Tumango lang ako bilang tugon.
Sanay na sila saakin na minsan lang magsalita.
Oo at Hindi lang ang sagot ko minsan kung nagtatanong sila. Wala ng dugtongan.
Hindi rin ako palakwentong tao.
As in wala.
Pag'galing school diretso agad ako sa room. Lalabas lang ako kung hapunan na.
Ayaw ko talaga makipaghalobilo sa maraming tao.

Nang matapos akong magbreakfast. Nagpaalam na ako kay Mama at kay Papa para umalis na papuntang school.

Malapit lang naman ang Marriton Academy kaya araw-araw ko itong nilalakad. Tamad ako magcommute. Saka, Exercise na rin 'to. Never pa naman ako nalate ei.

Isa sa sikat na school ang Marriton Academy.
Halos mayayaman nag'aaral dito.
Pero kami hindi naman kami mayaman na tao. May maliit na business lang ang parents ko.
Isang bread shop.

7years ang gap namin ni Kuya. Graduate na sya ng Culinary Arts. At sya na umaasekaso ng business namin.

Napatingin ako sa wrist watch ko. 7:05am palang. Masyado pa palang maaga. 8am starts ng klase namin.

After 15mins na paglalakad nandito na rin ako sa Marriton Academy.
Marami akong kasabayan na mga students papasok ng gate.

Naglalakad lang ako na nakayuko papuntang building namin hanggang sa makaabot ako sa classroom.

As usual ingay agad ng mga classmate ko ang bumungad saakin.
Halos nandito na silang lahat.
Sakto lang pagdating ko.

Agad akong umupo sa silya ko malapit sa bintana.

"Kayaahhh!! OH MYGHAD!!" Napatingin ako sa classmate kong biglang nagtitili. Ano na naman nakain nito. Ang aga-aga eh -___-

"Hannah and Vivian. Hinahanap kayo ni Fafa Owen. (*^﹏^*) " Tss, kala mo kung anu na eh.
Agad naman nagsilabas ang mga girls.
Diba sila Hannah at Vivian lang hinahanap. Bakit lahat sila nagsilabasan pati na ang ibang boys. Seriously?? -___-

Please, Say It I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon