Chapter 23
I like you.
Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko ng maalala ang sinabi ni Dark sa akin kanina nang iligtas nya ako kay Ricky.
"Iho, nilalagnat ka na naman ba?" Tanong ni Tita Son sa akin dahilan naman para mapatingin ako sa kanya at umiling. "Aba magsasabi ka kapag masama ang pakiramdam mo, ha? Hindi ka na nahiya kay Michael na hinatid ka pa dito noong nagkasakiy, aba iho binata ka na." Sermon nya sa'kin na tinutukoy ay 'yung paghatid ni Michael sa akin noong pumasok ako ng may sakit sa school.
Pinamulahan naman ulit ako ng mukha sa sinabi ni Tita Son. "Opo, di na mauulit. Saka umalis po kayo 'nun, nasa reunion po kayo kaya di ko nasabi sa inyo." Paliwanag ko naman sa kanya.
Kumunot ang noo. "Iho, mapaandito man ako o wala, alam mo parin sa sarili mo kung masama ang pakiramdam mo o hindi." Sabi naman nya. "Kung masama ang pakilasa mo eh hindi ka na sana pumasok at nagpahinga nalang. Pero wala, matigas ang ulo kaya humayo ka parin at pumasok." Dagdag pa nya at tumakla.
Hindi nalang ako sumagot.
Nagpatuloy ang sermon nya hanggang sa matapos kaming kumain ng hapunan. Nakikinig naman ako sa mga sermon at sinasabi nya. Ayoko kasing nasasayang ang effort ni Tita Son sa pagpapaalala sa'kin kaya pinakinggan ko lahat ng mura nya. Ganyan ko sya kalove.
"Ta, akyat na po ako." Sabi ko nang matapos na kaming kumain.
Tumango naman sya at tinapunan ako ng tingin. "Sige, iho. Tatapusin ko lang 'tong hugasin at magpapahinga na rin ako." Sabi nya habang naghuhugas ng pinggan.
Oops, let me explain.
Ilang beses ko nang sinasabi kay Tita Son na ako nalanh ang maghuhugas ng pinagkain namin pero tinanggihan nya ako. Ayaw nya akong paghugasin ng plato kapag nandidiyan sya. Gusto nya siya ang gagaw.
Umakyat na ako sa kwarto. Di muna ako nahiga dahil sabi ni Tita Son, wag hihiga ng busog. Maupo muna daw ako o maglakad-lakad ng konti. Ewan, baka daw ako bangungutin. Hindi naman ako naniniwala sa ganun pero wala naman masama kung susunod ako, di'ba?
Nagulat ako nang biglang magvibrate ang cellphone ko. May natext yata sa akin at nang bukas ko iyon, unknown number ang nakalagay.
Dark hir. R u feeling alright now? Btw I st0le ur number in ur cp ealier. H0pe u dnt mind. Have a gud rest tonight sdst. <3
"Pffft.." Di ko naman maiwasang matawa sa nabasa ko. Grabe, jejemon lang. Pero ang cute rin lalo nung heart.
Bakit nga ba wala akong number ni Dark? Ah oo nga pala, pinagbawalan ako ni Michael dati. Ah, shit baka magalit sya sa'kin kapag nalaman nya 'to! Tulad nga ng sinabi ko dati, kapag ayaw nya sa isang tao di mo siya mapipilit na magustuhan nya ito.
Magrereply na sana ako kay Dark nang bigla nalang magring ang cellphone ko.
Michael's calling...
"Sht, that fcking scared me." Sabi ko sa sarili ko at bumuntong hininga. Malakas kasi ang ringtone ng cellphone ko at idadag mo pa na si Michael ang natawag.
Di ko tuloy masagot ang tawag nya dahil sa pag-iisip na baka nalaman na nyang alam na ni Dark ang number ko. It's possible trust me.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)
RomanceWe're bestfriend and I'm his possession...