Miss. talkative i miss you

287 22 16
                                    

Chapter : 1

"Hey ! Mr. Francis ok na pla ung mga Grades mo Nakapasa ka na " Sabi ni Ms.Jean Adviser ko sa isang private school .

well sanay na ako sa mga Teacher ko simula grade one pano binabayaran sila ng daddy ko ng triple pa sa sweldo nila once na bagsak ako sa isang major subject .

kaya naman lagi din akong napapabilang sa mga honor students sa campus namin kahit wala akong alam . =_=

Pero syempre gusto ko ng magbago kasi sawang sawa na rin ako sa mga ganyang pangyayari sa buhay ko . Pano wala man lang ka Thrill - Thrill 

kaya naman napag desisyonan kong lumipat sa isang public school dito sa Quezon at yun pumayag naman sila daddy at mommy .

4th year student na ko. At June ngayon unang araw ng klase

pag pasok ko sa loob ng classroom na masikip mainit wala na pala ako sa private psh.At dahil dun First time ko rin mag karoon ng katabing 

Sobrang nakakairita Dahil sa sobrang lakas ng boses akala mo ang layo ng kausap "bundok pagitan teh ?"

sabi ng bakla sa kaliwa ko wahaha nabara ata 

akala ko tatahimik na yung babae di parin pala tsk T_T at dahil wala siguro syang mapag tripan ako nalang palagi yung kinukulit nya 

chapter : 2

araw-araw ganoon sa totoo lang lahat ng nakikipag usap saking babae puro pa cute nilalandi lang ako pero tong isang toh !!!! puro kadaldalan ang alam kwento dito kwento dyan at kahit saan.

ako lang ata ung naasar dito

siguro ung iba sanay na sa bunganga nya haisst......

Hanggang sa nag 4th grading na kami wala paring pagbabago

as in walang nagbago sa kanya .. Takte !! kaylangan ko na rin ata ang mag simba at ipag-pray to xD haha

"anong ginagawa mo ?? " 

"anong kinain mo kanina?"

"sabay tayo uwi huh ??'"

"anong oras ka gumagawa ng assignment ?"

''pakopya ako may quiz tayo dibah ? "

at ang pinakaiinisan ko salahat ng tanong nya araw-araw  ay yung

"ilang beses ka Dumudumi sa isang araw ??" --ang malupit dun sa tanong nya halos buong classroom ang nakakarinig P*cha !! naman tong babae na toh 

hanggang sa umabot sa time na NAHALIKAN ko siya .

at nanahimik naman siya bwahahaha so yun uwian na di parin siya nag sasalita ni lumingon sa tabi ko di nya magawa nahiya pa ang loka.

dapat pala ganoon nalang gawin ko araw-araw para naman magkaroon ng konting katahimikan sa classroom.

Pero kinabukasan .......

haisst. Balik sa dati hmmp.. T_T nawala agad yung epekto ng Halik ko ?? tsk. tsk. wala na talagang pag - asa 

gusto ko sanang halikan ulit kaso baka Mamihasa at abusuhin yung halik ko bwahahah..!!

 chapter 3

Pero PROMISE nakakarindi na sya hanggang sa mga sumunod ng mga araw ganon parin kwentong talambuhay may balak ata tong maging storyteller .psh

at dahil sa walang sawang kadaldalan napunta na sa kanya ang best title na Ms.Talkative of the year xDD at dahil dun umabot na talaga sa Puntong

"ANO BA NAKAKARINDI NA YANG BOSES MO TANONG KA NG TANONG NG MGA WALANG KWENTANG BAGAY NAKAKABW*S*T NA YANG KADALDALAN MO FYI PUMASOK AKO DITO PARA MAG-ARAL AT DI PARA MAKINIG SA MGA WALANG KWENTA MONG TALAMBUHAY  KAYA'T PWEDE BA WAG MO NA AKONG KAKAUSAPIN ''

nakita kong gulat na gulat siya medyo teary eyes na ay hindi umiyak na pala talaga siya at tumalikod na ko kasalanan nya naman eh.. ! pero bago pa ko makalabas narinig ko pang sumigaw siya ng

" Sooooooooooorry Laaaaaaaaaaaaaast na *huk*Tooooooooooh ! T_T " 

kinabukasan di siya pumasok 

hanggang sa ilang araw at sumunod pa na mga araw 

at hanggang sa eksaktong isang buwan na di siya pumasok.di naman siya na kicked out

pero ang balita ko na ospital siya aaminin ko nag-aalala ako sa kanya gabi-gabi iniisip ko nga baka dahil to  sa mga sinabi ko sa kanya miss ko na siya yung kaingayan nya yung mga jokes nya na korny at ang mga mata nyang sobrang gandang tignan yung mga tawa nya

in short siya talaga.  psh TTT_TTT

nakakalungkot man na mga teacher lang namin ang nakakaalam sa kong ano man ang nangyari sa kanya at ang kung ano man ang kalagayan nya ayaw kasing ipaalam ng parents niya private daw

kahit nga mga best friend nya di rin alam 

sa totoo lang gustong gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya haisst...

chapter 4 

bored ang buhay !! kulang eh !

wala siya 

Lunes ... 

Excited akong pumasok kasi balita ko papasok na siya at hindi nga ako nagkamali nakita ko siyang nakaupo at naka pangalumbaba sa bintana halatang malalim ang iniisip niya 

tinitigan ko siya at gumawa pa talaga ako ng ingay para mapansin nya ko binagsak ko yung bag ko sa upuan nagulat siya at napatingin sa akin mata sa mata

nalungkot ako dahil iniwas nya agad .

sa ngayon wala akong gustong gawin kundi ang marinig ang boses nya peroo..

sad to say na di man lang siya nag salita sa buong araw ni isang letra wala .

inaabangan ko nalang na may magtanong sa kanya pero

kapag may nakikipag usap sa kanya sinusulat nya sa papel ganon palagi 

di ko alam kong sinasadya nya ba oh ! sandyang iniiwasan nya lang ako..

sumunod na mga araw napansin ko rin na kahit mga teacher ang nagtatanong sa kanya sa papel palagi ang sagot kaya nga nag eefort siyang makipag palitan kay kate sa harap na dun muna maupo di ako nagkamali

Iniiwasan niya ko kaya naman nag lakas Loob Akong kausapin siya mamayang uwian

sasabihin ko sa kanyang Miss na miss  ko na siya Ung boses nya yung mga ngiti nya 

at sa wakas ang hinihintay kong pag kakataon 

 chapter 5

nandito na ko ngayon sa labas ng pinto at naghihintay sa kanyang pag labas dalawa nalang ata sila sa loob ni kate pero lumabas na rin si kate nauna na ata.

pero si aya nandun parin sa loob may sinusulat ata 

at sa wakas ulit lumabas na di siya 

"Aya..."

Lumingon siya pero di sya nag sasalita 

"aya im s-s..sorry sa lahat ng nasa-bi ko "

 "....." wala parin ? ba syang sasabihin ?

"alam mo bang miss na miss na kita yung boses mo ung mga ngiti mo lahat aya" -- T_T umiiyak na ko sa harap nya 

pero di parin siya nag sasalita instead nagbigay lang siya ng isang matamis na ngiti mula sa kanyang labi ..  imbis na mag replay sa mga sinasabi ko kinuha nya yung papel sa bulsa nia 

ito ata yung papel na sinusulatan nya kanina kinuha ko ung inabot nya at binasa ...

pag buklat ko tiningnan ko muna siya pero nasa malayo na  ...

--to be continue Miss talkative i miss you part two ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss. talkative i miss youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon