Dahil nga sa hinala namin na baka may gusto siyang iparating, nagpasiya kami na pumunta sa Mt. Mortem. Hindi namin alam masyado yung lugar kung saan papunta kaya nagtanong kami sa isang gasolinahan.
"Uhmm, excuse me po sir! Alam niyo po ba kung saan yung daan papunta sa Mt. Mortem? *sabay turo sa bundok*" tanong ko sa gasoline boy.
"Sir, eto pong daan na ito, *tinuro ang isang makitid na daan sa tabi ng palayan* diyan po! Bawal po ipasok ang sasakyan! Sir, iwan niyo nalang dito." sabi ng gasoline boy.
"Ah sige, salamat ah." sabi ko.
Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa kaya iniwan na namin ang kotse at naglakad na. Madilim pa (mga 3AM) masyado kaya medyo binagalan namin.
"Tang ina niyo! Bakit kayo umakyat!"
Napahinto kaming lahat sa paglalakad. Si Erwin naman biglang nawala sa pila.
"Erwin? Erwin?" sigaw ni Jerlyn.
"Uy, nasan na si Erwin!" tanong ni Aileen.
"Ewan ko!" sabi ko.
Dahil sa sobrang panic namin, napatakbo kami at naghanap ng bahay. Laking pasalamat namin at may nakakita saamin at tinulungan kami.
"Manang! Tulungan niyo po kami!!!" pagmamakaawa ni Jerlyn.
"A-ano bang nangyari?! Pumasok muna kayo sa bahay!" sabi ng isang babae na hindi naman masyadong matanda.
Habang pinapakalma kami ng babae at ng asawa niya, nagtanong sila.
"Anong mga pangalan niyo?" tanong ng babae.
"Ako po si Jerlyn. Mga kasama ko po, si Aileen at Marc."
"Ah! Ako naman si Aling Gloria. Siya naman ang asawa ko na si Josefino. Ano bang nangyari?"
"Kasi po, meron po nagsabi saamin ng PUTANG INA NIYO BAKIT KAYO UMAKYAT natakot po talaga kami nun. Parang boses demonyo. Tapos nawala naman po yung kasamahan namin na si Erwin." panayam ni Jerlyn.
"Mga iha at iho, marami ng kasong ganyan ang inasikaso namin. Kayo ba ay aakyat sa bundok na yan?" tanong ni Mang Josefino.
"Ah, opo. Aakyat po kami diyan dahil namatay po yung kaibigan namin at may gusto siyang ipagawa saamin." sabi ko.
"Nako! Bago kayo umakyat, marami kaming iku-kuwento sainyo! Wag muna kayong umalis ha! Diyan muna kayo! Ipaghahanda ko kayo ng makakain." sabi ni Aling Gloria.
ANO KAYA ANG MANGYAYARI SA MGA BIDA NATIN? ANO KAYA ANG PINAPAHATID NI MELODY? TUNGKOL BA ITO SA BUNDOK NG MORTEM? O MALI ANG KANYANG HINALA? ABANGAN SA SUSUNOD NA PART NG PAGAKYAT NILA SA BUNDOK!
BINABASA MO ANG
Mountain Of Death
Horreur© 2016 All Rights Reserved My first horror story. There are group of mountain hikers that will climb a mysterious mountain called Mt. Mortem. According to the residents near that area, that mountain is where a latin woman was killed and seeking for...